Ang pagkakaiba ng optometrist at ophthalmologist

May dalawang uri ng espesyalista sa kalusugan ng mata na makakatulong sa iyong panatilihing malusog ang iyong mga mata. Isa na rito ang optometrist. Ophthalmologist naman ang tawag sa isa pa. May mahalagang papel sa pangangalaga sa iyong mata ang dalawang espesyalista sa mata. Gayunpaman, magkaiba ang ginagawa ng mga ito.

Ang mga Optometrist (mga OD) ay hindi mga medikal na doktor. Sinasaklaw sila ng aming partner na Vision Service Plan (VSP).

Learn more about your health care options and get your Medi-Cal application started today.
Nagpapatingin ka sa optometrist para sa:

  • Mga salamin sa mata o contact lens.
  • Mga pangunahing checkup para sa kalusugan ng mata at routine na checkup para sa mata.
  • Mga sintomas o problema sa iyong mga mata.

Para makahanap ng optometrist, bisitahin ang vsp.com o tumawag sa 1(800) 438-4560. Ibibigay sa iyo ng VSP ang numero ng telepono ng optometrist kung kanino ka puwedeng magpa-appointment.

Kapag tumawag ka sa optometrist, mangyaring siguraduhing sabihin sa kanya na miyembro ka ng VSP. Titingnan ng optometrist ang iyong saklaw sa pangangalaga sa paningin sa VSP. Sinasaklaw ng VSP ang iyong appointment sa optometrist, hindi ng San Francisco Health Plan.

Ang mga ophthalmologist ay mga medikal na doktor na nagsasagawa ng operasyon sa mata. Sinasaklaw sila ng San Francisco Health Plan. Madalas silang nakikipagtulungan sa iyong optometrist.

Learn more about your health care options and get your Medi-Cal application started today.
Nagpapatingin ka sa ophthalmologist para sa:

  • Operasyon o mga procedure sa mata.
  • Anumang problema sa balat na malapit sa iyong mga mata (tulad ng mga kuntil o nunal).
  • Paggamot para sa mga kumplikadong kondisyon sa kalusugan ng mata, gaya ng katarata (malabong paningin) at glaucoma (mga sakit sa mata na nakakapinsala sa iyong mga mata).

Makipag-usap sa iyong provider ng pangunahing pangangalaga (PCP) kung kailangan mong magpatingin sa ophthalmologist. Matuto pa sa Buod ng mga Benepisyo ng SFHP.

*Ang iyong provider ng pangunahing pangangalaga (PCP) ay ang doktor, assistant ng doktor, o nurse practitioner na nangangasiwa sa iyong pangangalagang pangkalusugan.

Higit Pang Tulong mula sa SFHP

  • Serbisyo sa Customer: Masasagot ng aming team ang iyong mga tanong tungkol sa mga benepisyo at serbisyo sa kalusugan. Tumawag sa 1(415) 547-7800, 1(800) 288-5555 (toll-free) o sa 1(415) 547-7830 TTY. Lunes hanggang Biyernes, 8:30am hanggang 5:30pm.
  • Mga Serbisyo ng Interpreter: Maaari kang kumuha ng interpreter sa personal o sa telepono para sa iyong mga pagbisita para sa kalusugan. Kapag nagpa-appointment ka, isabay na rin ang paghiling ng interpreter.
  • Kailangan ng Masasakyan? Matutulungan ka ng SFHP na makakuha ng transportasyon papunta sa anumang medikal na appointment na saklaw ng Medi-Cal. Magtanong sa iyong provider o tumawag sa Serbisyo sa Customer.
  • Interesado sa Mga Benepisyo ng Medi-Cal? Tingnan kung makakakuha ka o ang iyong pamilya ng Medi-Cal sa pamamagitan ng SFHP.

Alamin pa ang tungkol sa iyong mga saklaw na benepisyo at serbisyo sa Medi-Cal.