Sundin ang mga tagubilin ng iyong doktor na inumin nang tama ang iyong gamot

Isang malaking bahagi ng pagiging ligtas at malusog ang pag-inom ng iyong gamot kapag kailangan mo. Pinakamahusay itong gumagana kapag iniinom mo ang iyong gamot sa paraang sinasabi sa iyo ng provider mo. Tumutulong itong pamahalaan ang iyong sakit o kondisyon at pinananatili ka nitong ligtas. Halimbawa, mapoprotektahan ka mula sa mga stroke at atake sa puso sa hinaharap kung iinumin mo ng iyong gamot sa presyon ng dugo.

Maaaring hindi mo palaging nararamdaman ang mga pagbabago sa iyong katawan, ngunit gagana ang gamot kung patuloy mo itong iinumin sa wastong paraan.

Mga tip na makakatulong sa iyong inumin ang iyong gamot:

Alamin ang iyong gamot. Alamin kung bakit kailangan mo ito, kung paano ito nakakatulong sa iyo, at kung ano ang maaaring mangyari kung hindi mo ito iinumin. Sa pag-alam, matutulungan ka nitong maalala kung bakit mahalaga ang pag-inom ng iyong gamot.

Magtakda ng mga paalala. Gumamit ng mga alarm o app sa iyong telepono para ipaalala sa iyo kapag oras nang uminom ng iyong gamot. Maaari ka ring gumamit ng kahon ng mga pill na may mga seksyon para sa bawat araw ng linggo. Makakatulong ito sa iyong maalala kung nainom mo na ang iyong gamot o hindi.

Ugaliin ito. Subukang inumin ang iyong gamot sa iisang oras bawat araw. Maaari mo itong gawin nang kasabay ang isang bagay na ginagawa mo araw-araw, tulad ng pagsisipilyo ng iyong mga ngipin o bago/pagkatapos kumain. Tanungin ang iyong provider kung kailan ang pinakamainam na oras na inumin ang bawat isa sa mga gamot mo.

Makipag-usap sa iyong provider ng pangunahing pangangalaga (PCP). Kung mayroon kang anumang tanong o alalahanin tungkol sa iyong gamot, makipag-usap sa iyong PCP o pharmacist. Ang iyong PCP ay ang iyong pangunahing doktor, assistant ng doktor, o nurse practitioner. Matutulungan ka nilang mas maunawaan ang iyong gamot at matiyak na ito ang naaangkop sa iyo.

Subaybayan. Isulat kung ano ang gamot na iniinom mo, gaano karami, at kailan mo ito iniinom. Ilagay ang iyong listahan ng gamot sa iyong wallet, o pitaka, at dalhin ito sa iyong mga pangkalusugang pagpapatingin.

Mag-refill sa tamang oras. Tiyaking mayroon kang sapat na gamot. Huwag mong hintaying maubusan ka nito. I-refill ang iyong gamot bago ka pa maubusan, para wala kang makaligtaang anumang dosis.

Manatiling may kaalaman. Tanungin ang iyong PCP tungkol sa gamot mo at sa anumang pagbabago na maaaring kailanganin mo. Mahalagang malaman ang mga kaganapan sa iyong gamot at katawan.

Mahalaga para sa kalusugan mo ang pag-inom ng iyong gamot sa paraang sinasabi ng provider mo. Kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa gamot mo, tanungin ang iyong PCP o pharmacist. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa iyong saklaw ng gamot, bisitahin ang Medi-Cal Rx o tumawag sa 1(800) 977-2273.

Kailangan ng masasakyan?

Maaari kang tulungan ng SFHP na makakuha ng transportasyong kukuha sa iyong gamot. Magtanong sa iyong PCP o tawagan ang Serbisyo sa Customer ng SFHP:

  • Toll free: 1(800) 288-5555
  • Lokal: 1(415) 547-7800
  • TTY: 1(888) 883-7347

Mga Oras ng Pagtawag: Lunes-Biyernes, 8:30am – 5:30pm. Matuto pa tungkol sa hindi medikal na transportasyon sa Mga Benepisyo at Saklaw na Serbisyo ng SFHP.