Magpa-screen Simula sa Edad na 40

Ang kanser sa suso ay nangyayari kapag ang mga cell ay hindi lumalaki nang normal sa isa o dalawa sa iyong mga suso. Ang mga screening test ay makakatulong sa maagang pagtukoy kung may kanser sa suso. Maaaring mahanap ng mga ito ang ilang kanser na napakaliit para masalat o bago pa magdulot ng ibang sintomas ang mga ito. Ang kanser sa suso ay maaaring mas madaling gamutin kapag nahanap ito nang maaga.

Karaniwan ang pagkakaroon ng mga alalahanin tungkol sa kanser sa suso. Kaya mahalagang makipag-usap sa iyong provider ng pangunahing pangangalaga* (PCP) tungkol sa kung kailan magsisimula at kung gaano kadalas dapat magpa-screen para sa kanser sa suso.

Sinasaklawan ng Medi-Cal ang Screening para sa Kanser sa Suso

Maaari kang magpa-screen para sa kanser sa suso nang isang beses sa bawat dalawang taon kung ikaw ay edad 40 hanggang 74 na taong gulang.

Ang mga screening test ay maaaring maagang makatukoy ng kanser sa suso, bago ka magkaroon ng mga sintomas tulad ng bukol. Ang maagang pagtukoy ay tumutulong na bawasan ang panganib ng pagkamatay dahil sa kanser sa suso. Ang mga mammogram ay ang pinakamahusay na screening test para sa mga taong may average na panganib sa pagkakaroon ng kanser sa suso.

Mga Rekomendasyon sa Screening para sa Kanser sa Suso

Ang United States Preventive Services Task Force (USPSTF) ay pinamumunuan ng mga eksperto sa kalusugan na nagpapasya sa pinakamahusay na paraan para mapigilan ang mga sakit. Nagbibigay rin sila ng gabay sa kung paano makaiwas sa mga sakit o matukoy nang maaga ang mga ito.

Ngayon, inirerekomenda ng Task Force na magpa-screen para sa kanser sa suso ang lahat ng babae isang beses sa bawat dalawang taon, simula sa edad na 40 at hanggang 74 na taong gulang.

Makipag-usap sa iyong PCP para malaman kung posibleng mayroon kang mas malaking panganib sa pagkakaroon ng kanser sa suso. Itanong kung gaano kadalas ka dapat magpa-screen batay sa sarili mong panganib. Ang mga babaeng wala pang 40 taong gulang ay maaaring sumailalim sa mga screening para sa kanser sa suso kung mayroon silang ilang partikular na panganib o sintomas.

*Ang iyong provider ng pangunahing pangangalaga (PCP) ay ang doktor, assistant ng doktor, o nurse practitioner na nangangasiwa sa iyong pangangalagang pangkalusugan.

Higit Pang Tulong mula sa SFHP

  • Serbisyo sa Customer: Masasagot ng aming team ang iyong mga tanong tungkol sa mga benepisyo at serbisyo sa kalusugan. Tumawag sa 1(415) 547-7800, 1(800) 288-5555 (toll-free) o sa 1(415) 547-7830 TTY. Lunes hanggang Biyernes, 8:30am hanggang 5:30pm.
  • Mga Serbisyo ng Interpreter: Maaari kang kumuha ng interpreter sa personal o sa telepono para sa iyong mga pagbisita para sa kalusugan. Kapag nagpa-appointment ka, isabay na rin ang paghiling ng interpreter.
  • Kailangan ng Masasakyan? Matutulungan ka ng SFHP na makakuha ng transportasyon papunta sa anumang medikal na appointment na saklaw ng Medi-Cal. Magtanong sa iyong provider o tumawag sa Serbisyo sa Customer.
  • Interesado sa Mga Benepisyo ng Medi-Cal? Tingnan kung makakakuha ka o ang iyong pamilya ng Medi-Cal sa pamamagitan ng SFHP.

Alamin pa ang tungkol sa iyong mga saklaw na benepisyo at serbisyo sa Medi-Cal.