Nagbibigay-daan ang sensitibong pangangalaga sa mga menor de edad na makakuha ng tulong na kailangan nila upang manatiling ligtas at malusog. Minsan, maaaring hindi ligtas o komportable para sa mga menor de edad na makipag-usap sa kanilang mga magulang o tagapag-alaga tungkol sa pangangalagang kailangan nila.

Kung wala ka pang 18 taong gulang, maaari kang makakuha ng ilang serbisyo ng Medi-Cal kapag kailangan mo ang mga ito. Puwede mong simulan ang mga serbisyong ito sa edad na 12. Hindi mo kailangan ng pahintulot mula sa isang magulang o tagapag-alaga para magpatingin sa isang doktor para sa sensitibong pangangalaga.

Ano ang mga Sensitibong Serbisyo?

Maaari mong makuha ang mga serbisyong ito nang walang pahintulot ng iyong magulang o tagapag-alaga:

Mga Serbisyo sa Kalusugan ng Pag-iisip na Hindi Mula sa Espesyalista: Makipag-usap sa isang therapist o tagapayo tungkol sa iyong damdamin, stress, pagkabalisa, o humingi ng mga serbisyo pabahay.

Sekswal na Pangangalagang Pangkalusugan, gaya ng:

  • Pagsusuri at mga paggamot sa mga impeksyon na nakukuha sa pakikipagtalik (mga STI)
  • Pagpapayo, pag-iwas, pagpapatingin, at paggamot sa HIV/AIDS
  • Mga serbisyong pangkontraseptibo tulad ng pagkontrol sa pagbubuntis (hindi kasama ang isterilisasyon)
  • Pagsusuri kung buntis at pagpapayo
  • Pangangalaga para sa panggagahasa at iba pang sekswal na panghahalay
  • Mga serbisyo sa pagpapalaglag

Paggamot sa Paggamit ng Droga: Humingi ng tulong sa pag-inom o paggamit ng droga.

Minsan, maaaring gusto mong kumonsulta sa doktor ngunit hindi ka komportableng ipaalam ito sa magulang o tagapag-alaga mo. Maaari mo pa ring makuha ang pangangalaga na kailangan mo para manatiling ligtas at malusog.

Kung wala pa akong 18 taong gulang, paano ako makakahingi ng tulong?

Kumuha ng appointment sa iyong provider ng pangunahing pangangalaga (PCP). Ang iyong PCP ay ang doktor, physician assistant, o nurse practitioner na responsable sa iyong pangangalaga sa kalusugan. Maaari kang makakuha sensitibong pangangalaga kahit na walang paunang pag-apruba (paunang pahintulot).

Pangangalaga sa Kalusugan ng Isip

Hindi mo kailangan ng referral. Maaari kang tumawag sa Carelon Behavioral Health para matuto pa o kumuha ng appointment sa 1(855) 371-8117 o bisitahin ang carelonbehavioralhealth.com. Maaari ka ring pumunta sa isang doktor na wala sa network nang walang referral at nang walang paunang pag-apruba.

Sekswal na Pangangalagang Pangkalusugan

Kung ayaw mong magpatingin sa iyong PCP, mayroon ka pa ring iba pang mga pagpipilian. Para sa sekswal na pangangalaga sa kalusugan, tulad ng pagsusuri sa pagbubuntis o pagsusuri ng STI at paggamot, maaari kang pumunta sa anumang provider ng Medi-Cal . Hindi mo kailangan ng referral. Maghanap ng doktor dito.

Paggamot sa Paggamit ng Droga

Hindi mo kailangan ng referral. Kung sa tingin mo ay kailangan mo ng tulong kaugnay ng pag-inom ng alak o paggamit ng droga, maaari kang tumawag sa San Francisco County Community Behavioral Health Services (CBHS) Access ang Help Line24 oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo sa 1(415) 255-3737 or 1(888) 246-3333 na libreng tawagan. Kung may kapansanan ka sa pandinig, maaari kang tumawag sa Linya ng TDD ng CBHS sa 1(888) 484-7200.

Kumuha ng Pangangalaga Ngayon Sa Pamamagitan ng Telepono o Video

Maaari kang makipag-usap nang pribado sa isang tao tungkol sa mga alalahaning pangkalusugan mo sa pamamagitan ng telepono o video:

  • Tawagan ang 24/7na Nurse Advice Line ng SFHP sa 1(877) 977-3397.
  • Tumawag sa Teladoc® para sa konsultasyon sa isang doktor sa pamamagitan ng telepono o video sa 1(800) 835-2362, o pumunta sa sfhp.org/teladoc.
  • Para sa tulong sa kalusugang pangkaisipan, tumawag sa 988 o bisitahin ang 988lifeline.org upang makipag-usap sa isang tao tungkol sa pinagdaraanan mo.

Ang Iyong Privacy

Karapatan ng bawat isa na makaramdam ng kaligtasan at kalusugan. Walang sinuman ang dapat na mahiya kapag sinusubukang makuha ang pangangalaga na kailangan nila. Kung maaari kang pumayag sa sarili mong pangangalaga nang walang magulang o tagapag-alaga sa ilalim ng batas, hindi magbabahagi ang SFHP ng mga talaan sa iyong mga serbisyo sa sensitibong pangangalaga sa sinuman. Hindi namin ito ibabahagi sa mga magulang o tagapag-alaga mo nang walang pahintulot mo. Maaari ka ring humiling na makakuha ng mga pribadong talaan tungkol sa pangangalaga mo sa isang tiyak na form o format at ipadala ang mga ito sa iyo sa ibang address.

Pinahahalagahan namin ang privacy at kalusugan mo. Kunin ang pangangalaga na kailangan mo sa sarili mong kaginhawahan.

Higit Pang Tulong mula sa SFHP

  • Serbisyo sa Customer: Masasagot ng aming team ang iyong mga tanong tungkol sa mga benepisyo at serbisyo sa kalusugan. Tumawag sa 1(415) 547-7800, 1(800) 288-5555 (toll-free) o sa 1(415) 547-7830 TTY. Lunes hanggang Biyernes, 8:30am hanggang 5:30pm.
  • Mga Serbisyo ng Interpreter: Maaari kang kumuha ng interpreter sa personal o sa telepono para sa iyong mga pagbisita para sa kalusugan. Kapag nagpa-appointment ka, isabay na rin ang paghiling ng interpreter.
  • Kailangan ng Masasakyan? Matutulungan ka ng SFHP na makakuha ng transportasyon papunta sa anumang medikal na appointment na saklaw ng Medi-Cal. Magtanong sa iyong provider o tumawag sa Serbisyo sa Customer.
  • Interesado sa Mga Benepisyo ng Medi-Cal? Tingnan kung makakakuha ka o ang iyong pamilya ng Medi-Cal sa pamamagitan ng SFHP.

Alamin pa ang tungkol sa iyong mga saklaw na benepisyo at serbisyo sa Medi-Cal.