Pagtiyak sa malusog na buhay para sa LGBTQIA+ community

Pinapahalagahan ng SFHP ang buong kalusugan ng aming mga miyembro. Gusto naming ibigay ang pinakamahusay na pangangalaga sa iyo. Gusto naming malaman kung sino ang pinaglilingkuran namin para pinakamahusay naming matugunan ang iyong mga pangangailangan.

Ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community ay may mga natatanging alalahanin sa kalusugan. Bilang isang miyembro ng Medi-Cal na may SFHP, makakakuha ka ng maraming serbisyo para suportahan ang iyong kalusugan.

Suriin ang iyong Buod ng mga Benepisyo para sa mga serbisyong posibleng kailanganin mo.

Sinasaklaw ng SFHP ang mga sumusunod na pangangalaga na nagpapatibay sa kasarian:

  • Pangangalagang pangkalusugan para sa pag-iisip at pag-uugali
  • Hormone therapy
  • Mga partikular na operasyon

Tanungin ang iyong PCP tungkol sa pangangalagang nagpapatibay sa kasarian o matuto pa sa pamamagitan ng iyong Handbook ng Miyembro.

Kunin ang suporta na kailangan mo mula sa isa sa aming mga LGBTQIA-friendly na provider sa San Francisco. Hanapin ang tamang Provider ng Pangunahing Pangangalaga* (Primary Care Provider o PCP) para sa iyo sa sfhp.org.

Higit na pagkilala sa aming mga miyembro

Nagsimulang magtanong ang call team ng SFHP tungkol sa Sekswal na Oryentasyon at Kinikilalang Kasarian (SOGI) habang nakikipag-usap sa iyo sa telepono. Ang Sekswal na Oryentasyon ay ang iyong atraksyon sa iba. Ang kinikilalang kasarian ay kung paano mo nakikita ang iyong sarili. Natatangi ito sa bawat tao.

Tumutulong ang data na ito na mas mahusay naming mapaglingkuran ang maraming grupo ng San Francisco. Ito ay mula sa isang panuntunan ng estado sa pangongolekta ng data na ito mula sa mga taong aming pinaglilingkuran. Magtatanong tungkol sa SOGI ang aming call team. Hindi kailangang sagutin ang mga tanong na ito para makatanggap ng pangangalaga.

Mga Pangkalusugang Resource para sa LGBTQIA+

Ang San Francisco ay tahanan ng maraming resource para sa LGBTQIA + at mga grupo ng suporta. Tingnan sa ibaba ang listahan ng mga lokal at pambansang resource:

Suporta sa Kabataang LGBTQ+
National LGBTQ+ Health Resources

*Ang iyong primary care provider (PCP) ay ang iyong personal na doktor kung kailangan mo ng check-up, payo tungkol sa problema sa kalusugan, o nagkasakit o nasaktan.

Higit Pang Tulong mula sa SFHP

  • Serbisyo sa Customer: Kung kailangan mo ng tulong o mayroon kang anumang mga katanungan, tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-7800, 1(800) 288-5555 (libre ang pagtawag), o 711 (TTY), Lunes–Biyernes, 8:00am–5:00pm.
  • Mga Serbisyo ng Interpreter: Maaari kang kumuha ng interpreter sa personal o sa telepono para sa iyong mga pagbisita para sa kalusugan. Kapag nagpa-appointment ka, isabay na rin ang paghiling ng interpreter.
  • Kailangan ng Masasakyan? Matutulungan ka ng SFHP na makakuha ng transportasyon papunta sa anumang medikal na appointment na saklaw ng Medi-Cal. Magtanong sa iyong provider o tumawag sa Serbisyo sa Customer.
  • Interesado sa Mga Benepisyo ng Medi-Cal? Tingnan kung makakakuha ka o ang iyong pamilya ng Medi-Cal sa pamamagitan ng SFHP.

Alamin pa ang tungkol sa iyong mga saklaw na benepisyo at serbisyo sa Medi-Cal.