Ang mga Suportang Pangkomunidad (CS) ay mga espesyal na opsyon sa pangangalaga para sa mga miyembro ng SFHP Medi-Cal. Matutulungan ka ng CS na manatiling malusog at maiwasan ang mga magastos na pagpunta sa ospital sa hinaharap. Makukuha mo ang pangangalagang ito nang libre. Maaari mong magamit ang isa o higit pang Mga Suportang Pangkomunidad nang magkasabay.

Makakakuha Ka Na Ngayon ng 2 Bagong Suportang Pangkomunidad:

  • Ang mga Serbisyo Habang Nakapahinga ang Tagapag-alaga ay makakatulong kung pansamantalang wala ang regular mong na tagapag-alaga at hindi ka niya maaalagaan.
  • Ang Paglipat/Pagbaling sa Mga Pasilidad para sa Sinusuportahang Pamumuhay mula sa Nursing Facility ay makakatulong sa iyong makahanap ng pasilidad para sa sinusuportahang pamumuhay at makalipat doon kung nasa sa isang nursing facility ka ngayon.
  • Maraming mga programa para matulungan kang manatiling malusog.

    Mga Suporta sa Komunidad:

    • Ang Mga Medikal na Iniangkop na Pagkain ay mga pagkain, grocery, o voucher na maaari mong makuha nang libre. Mapapanatili kang malusog ng mga opsyong ito.
    • Ang Mga Serbisyo sa Paglipat ng Pabahay ay makakatulong sa iyo na makahanap ng ligtas na pabahay na matitirhan. Makakakuha ka rin ng tulong sa paglilipat o tulong upang mapanatili ang kasalukuyan mong tirahan.
    • Ang mga Pakikibagay sa Pag-access sa Kapaligiran (kilala rin bilang Mga Pagbabago sa Tahanan) ay mga pagbabago sa iyong tahanan na makakatulong sa iyo na makapamuhay nang ligtas at hindi umaasa sa iba. Kabilang sa mga halimbawa ang:
      • Mga rampa
      • Pagpapalapad ng mga pintuan para makapasok ang wheelchair
      • Mga stair lift
      • Pagsasaayos sa banyo at shower para mapuntahan nang naka-wheelchair

    Tingnan ang listahan ng lahat ng mga suporta sa komunidad dito.

    Sino ang Maaaring Makakuha ng Mga Suporta sa Komunidad?

    Maaari kang makakuha ng CS kung kwalipikado ka. Bisitahin ang Mga Suporta sa Komunidad upang makita kung maaaring kwalipikado ka. Maaari ka ring tumawag sa Intake Line ng Mga Suporta sa Komunidad ng SFHP sa 1(415) 615-4501 o makipag-usap sa iyong provider ng pangunahing pangangalaga* (PCP).

    Kung kailangan mo ng tulong o mayroon kang mga tanong, tawagan ang Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-7800, 1(800) 288-5555 (libre ang pagtawag), o 711 (TTY), Lunes–Biyernes, 8:30am–5:30pm.

    *Ang iyong PCP ay ang iyong pangunahing doktor o provider ng pangangalagang pangkalusugan na tinutulungan kang manatiling malusog at namamahala sa iyong medikal na pangangalaga.

    Higit Pang Tulong mula sa SFHP

    • Serbisyo sa Customer: Kung kailangan mo ng tulong o mayroon kang anumang mga katanungan, tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-78001(800) 288-5555 (libre ang pagtawag), o 711 (TTY), Lunes–Biyernes, 8:30am–5:30pm.
    • Mga Serbisyo ng Interpreter: Maaari kang kumuha ng interpreter sa personal o sa telepono para sa iyong mga pagbisita para sa kalusugan. Kapag nagpa-appointment ka, isabay na rin ang paghiling ng interpreter.
    • Kailangan ng Masasakyan? Matutulungan ka ng SFHP na makakuha ng transportasyon papunta sa anumang medikal na appointment na saklaw ng Medi-Cal. Magtanong sa iyong provider o tumawag sa Serbisyo sa Customer.
    • Interesado sa Mga Benepisyo ng Medi-Cal? Tingnan kung makakakuha ka o ang iyong pamilya ng Medi-Cal sa pamamagitan ng SFHP.

    Alamin pa ang tungkol sa iyong mga saklaw na benepisyo at serbisyo sa Medi-Cal.