Pinahusay na Pamamahala ng Pangangalaga (Enhanced Care Management, ECM)

Community Supports

Ano ang Community Supports?

Ang Community Supports (CS) ay mga espesyal na opsyon sa pangangalaga para sa mga miyembro ng SFHP Medi-Cal. Matutulungan ka ng CS na manatiling malusog at maiwasan ang mga magastos na pagpunta sa ospital sa hinaharap. Maaari kang makakuha ng CS kung kwalipikado ka.

Aling Community Supports ang iniaalok ng SFHP?

Sa ngayon, iniaalok ng SFHP ang Community Supports na ito:

  • Sobering Centers na mga ligtas na lugar para magpahimasmas. Makakatanggap ka ng tulong gaya ng panandaliang tulugan, pagkain, shower, at iba pang mga serbisyong panlipunan.
  • Medical Respite (kilala rin bilang Recuperative Care) kung saan maaari kang magpagaling mula sa pinsala o pagkakasakit. Makakakuha ka ng tulong gaya ng panandaliang tulugan, pagkain, at iba ang pangangalagang pangkalusugan para sa pag-iisip at katawan.
  • Ang Mga Medikal na Iniangkop na Pagkain ay mga pagkain na makukuha mo nang walang bayad. Ginawa ang mga ito upang mapanatili kang malusog.
  • Makakatulong sa iyo ang Mga Serbisyo sa Paglipat ng Pabahay na makahanap ng ligtas na tirahan na matitirhan. Maaari ka ring makakuha ng tulong sa paglipat o tulong upang mapanatili ang iyong kasalukuyang tirahan.

Mas marami pang Community Supports ang iaalok sa mga darating na buwan.

Upang matuto pa tungkol sa Community Supports, makipag-usap sa iyong Provider ng Pangunahing Pangangalaga (Primary Care Provider o PCP). Maaari ka ring tumawag sa Serbisyo sa Customer sa 1(415) 547-7800.

Pagiging Kwalipikado para sa Community Supports

Maaari kang makakuha ng iba’t ibang Community Supports batay sa iyong mga pangangailangan.

Sa ngayon, makakakuha ka ng medical respite (recuperative care) kung ikaw ay:

  • Nanganganib na maospital.
  • Kakalabas lang mula sa ospital.
  • Naninirahan nang mag-isa at walang pormal na suporta.
  • Walang tiyak na tirahan.
  • Walang tirahan at may hindi bababa sa 1 sa mga sumusunod:
    • Tumatanggap ng Enhanced Care Management (ECM);
    • May 1 o higit pang malalang hindi gumagaling na kundisyon;
    • May malalang sakit sa pag-iisip;
    • May sakit sa paggamit ng substance;
    • Nanganganib na ma-overdose o maospital;
    • Edad 16-25 na may kasaysayan sa foster na pangangalaga, sistema ng katarungang pangkrimen, malalang sakit sa pag-iisip, malalang emosyonal na karanasan, trafficking, o karahasan sa tahanan.

Maaari kang pumunta sa isang Sobering Center kung ikaw ay:

  • Edad 18 at mas matanda
  • Wala sa hustong pag-iisip ngunit may malay
  • Hindi marahas
  • Kayang magpalipat-lipat ng lugar
  • Hindi nakakaranas ng medikal na emergency gaya ng nakakamatay na withdrawal

Sino ang maaaring kumuha ng Mga Medikal na Iniangkop na Pagkain?

Makakakuha ka ng Mga Medikal na Iniangkop na Pagkain kung ikaw ay:

  • Mayroong alinman sa:
    1. Hindi Gumagaling na Sakit sa Bato, stage 3 o 4
    2. Congestive Heart Failure
  • At naospital sa nakalipas na 6 na buwan
  • Nakalabas na sa ospital o iba pang pasilidad
  • May maraming pangangailangan sa pangangalagang pangkalusugan

Maaari kang makakuha ng hanggang sa 2 pagkain bawat araw, nang hanggang sa 12 linggo. Maaaring makakuha ka pa rin ng mga pagkain pagkatapos ng 12 linggo kung medikal itong kinakailangan.

Sino ang maaaring kumuha ng Mga Serbisyo sa Paglipat ng Pabahay?

Makakakuha ka ng suporta sa pabahay kung ikaw ay:

  • Mayroong kapansanan.
  • May 1 o higit pang malalang hindi gumagaling na kundisyon o sakit sa pag-iisip.
  • May sakit sa paggamit ng substance.
  • Nanganganib na mapunta sa isang pasilidad ng paggamot.
  • Kakalabas lang sa kulungan, ospital, o iba pang pasilidad.
  • May taunang kita na mas mababa sa 30% ng lokal na median na kita ng pamilya.
  • Edad 16-25 na may kasaysayan sa foster na pangangalaga, sistema ng katarungang pangkrimen, sakit sa pag-iisip, malalang emosyonal na trauma, trafficking, o karahasan sa tahanan.
  • Walang sistema ng suporta tulad ng pamilya, mga kaibigan, o tulong mula sa simbahan, at
    1. Lumipat nang 2 o higit pang beses sa nakalipas na 60 araw.
    2. Nakikitira sa bahay ng ibang tao.
    3. Sinabihan na umalis sa iyong lugar sa loob ng susunod na 21 araw.
    4. Nakatira sa hotel o motel na hindi binabayaran ng programa.
    5. Nakatira sa isang single room occupancy (SRO) kasama ng 2 pang tao.
    6. Nakatira sa isang bahay na may higit sa 1.5 tao bawat kuwarto.
    7. Kakalabas lang ng pasilidad tulad ng ospital, kulungan, foster na pangangalaga, atbp.

Paano makakakuha ang mga kwalipikadong miyembro ng Medi-Cal ng mga serbisyo ng Community Supports?

Maaari kang i-refer sa Community Supports sa pamamagitan ng:

  • Iyong provider ng Enhanced Care Management (ECM)
  • Provider ng Pangunahing Pangangalaga (Primary Care Provider o PCP)
  • Mga provider ng mga serbisyong panlipunan
  • Iba pang provider
  • Iyong sarili o miyembro ng pamilya

Upang malaman kung maaari kang kumuha ng Community Supports, kausapin ang iyong intake coordinator at/o Serbisyo sa Customer sa 1(415) 547-7800.

Halaga

Maaari kang kumuha ng Enhanced Care Management at Community Supports nang walang bayad bilang bahagi ng iyong mga benepisyo sa Medi-Cal.

Maaari bang tumanggap ng maraming Community Supports ang mga miyembro?

Oo, maaaring magamit mo ang isa o higit pang Community Supports nang magkasabay. Ang mga miyembrong kwalipikado para sa Enhanced Care Management ay madalas na nakakakuha ng 1 o higit pang Community Supports.