Ang fentanyl ay isang opioid na gawa ng tao na halos 50 beses na mas matapang sa heroin at 100 beses na mas matapang sa morphine. May dalawang uri ng fentanyl:

  • Legal na inirereseta ng mga doktor bilang gamot upang gamutin ang pananakit, katulad ng pagkatapos ng operasyon o advanced na kanser.
  • Ilegal na inihalo o isinama sa mga gamot na tulad ng heroin, cocaine, at methamphetamine (meth) pill na kamukha ng gamot.

Maaaring hindi alam ng mga tao na may halong ilegal na fentanyl ang kanilang mga gamot, na maaaring magdulot ng overdose. Maaari kang makakuha ng fentanyl test strips upang makita kung mayroong fentanyl sa iba pang mga gamot. Ang ilegal na fentanyl ay nagdudulot ng mataas na bilang ng mga pagkamatay dahil sa pag-overdose sa San Francisco at sa buong Estados Unidos.

Maaari mong maiwasan ang pag-overdose ng fentanyl gamit ang dalawang nasal spray na gamot: Narcan (naloxone) o Opvee (nalmefene).

Narcan (naloxone)

Kung gumagamit ka o ang iyong mga mahal sa buhay ng mga ilegal na droga, mahalagang magkaroon at malaman kung paano gamitin ang Narcan (kilala rin bilang naloxone). Maaari nitong pigilan ang pag-overdose ng opioid sa loob ng sapat na panahon para makahingi ka ng tulong. Matuto nang higit pa tungkol sa Narcan dito.

Maaari kang bumili ng Narcan nang walang reseta o kunin bilang reseta. Upang makakuha ng libreng nasal naloxone kit at pagsasanay at/o hanggang 10 fentanyl test strips, bisitahin ang:

Community Behavioral Health Services Pharmacy
1st floor at 1380 Howard St
San Francisco, CA 94103
L-B 9am-6:30pm
Sabado-Linggo 9am–12pm at 1pm-4:30pm.

Panoorin ang video na ito para malaman kung paano gumamit ng Narcan.

Opvee (nalmefene)

Ang Opvee ay isang bagong gamot na kayang pigilan ang pag-overdose ng opioid. Matuto nang higit pa tungkol sa Opvee rito.

Maaari ka nang makakuha ng Opvee bilang inireresetang gamot.

Magtanong sa iyong PCP tungkol sa pag-iwas sa pag-overdose at alamin pa sa San Francisco Department of Public Health.

Paano makakatulong ang SFHP

Kung ikaw ay isang miyembro ng SFHP, mayroon kang access sa mga mapagkukunan na makakatulong sa iyo na pamahalaan ang iyong mga reseta nang ligtas, maunawaan ang higit pa tungkol sa mga gamot tulad ng fentanyl, at makakuha ng suporta kung kailangan mo ito.

Narito ang ilang pagpipilian:

  • 24/7 na Behavioral Health Access Center (BHAC): Kung sa iyong palagay ay kailangan mo ng tulong sa pag-inom ng alak o paggamit ng droga, maaari kang makipag-ugnayan sa helpline 24 oras kada araw, 7 araw kada linggo sa 1(888) 246-3333 na libreng tawagan o 711 (TTY). Hindi mo kailangan ng referral.
  • 24/7 na Linya para sa Payo ng Nurse ng SFHP: Kung mayroon kang mga katanungan o alalahanin tungkol sa mga gamot o sa iyong kalusugan, maaari kang makipag-usap sa isang nurse anumang oras. Tumawag sa 1(877) 977-3397 o 711 (TTY).
  • Mga Serbisyo sa Kalusugan ng Pag-uugali at Pag-iisip: Kung ikaw o ang isang mahal sa buhay ay nangangailangan ng tulong sa pagkalulong, maaaring mag-alok ang iyong provider ng pangunahing pangangalaga* (PCP) ng screening at maikling pagpapayo.
  • Edukasyong pangkalusugan: Matuto pa tungkol sa pamamahala ng malubhang sakit gamit ang isang fact sheet.
  • Access sa Naloxone: Sinasaklaw ng Medi-Cal ang naloxone. Kung wala kang reseta, maaari mo pa ring hilingin ang gamot sa isang botika. Ang parmasyutiko o ang iyong provider ay maaaring magturo sa iyo kung paano gamitin ito.
  • Mga Serbisyo ng Botika: Kumuha ng tulong mula sa iyong mga provider kung paano ligtas na gamitin ang iyong mga gamot.

*Ang provider ng pangunahing pangangalaga (PCP) mo ay ang iyong pangunahing doktor o provider ng pangangalagang pangkalusugan na tumutulong sa iyong manatiling malusog at nangangasiwa sa pangangalaga sa iyo.

Higit Pang Tulong mula sa SFHP

  • Serbisyo sa Customer: Kung kailangan mo ng tulong o mayroon kang anumang mga katanungan, tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-78001(800) 288-5555 (libre ang pagtawag), o 711 (TTY), Lunes–Biyernes, 8:00am–5:00pm.
  • Mga Serbisyo ng Interpreter: Maaari kang kumuha ng interpreter sa personal o sa telepono para sa iyong mga pagbisita para sa kalusugan. Kapag nagpa-appointment ka, isabay na rin ang paghiling ng interpreter.
  • Kailangan ng Masasakyan? Matutulungan ka ng SFHP na makakuha ng transportasyon papunta sa anumang medikal na appointment na saklaw ng Medi-Cal. Magtanong sa iyong provider o tumawag sa Serbisyo sa Customer.
  • Interesado sa Mga Benepisyo ng Medi-Cal? Tingnan kung makakakuha ka o ang iyong pamilya ng Medi-Cal sa pamamagitan ng SFHP.

Alamin pa ang tungkol sa iyong mga saklaw na benepisyo at serbisyo sa Medi-Cal.