Tinatayang 1 sa 8 babae sa U.S. ang magkakaroon ng kanser sa suso sa kanilang buhay. Para sa maraming tao, ang pinakamainam na paraan upang magpatingin para sa kanser sa suso ay sa pamamagitan ng mammogram. Ang mammogram ay isang X-ray ng suso na maaaring makakita ng mga tumor (isang grupo ng mga hindi normal na selyula) na masyadong maliit para madama mo o ng iyong provider.

Ligtas ang pagsasagawa ng mammogram. Maaari nitong matukoy nang maaga ang kanser sa suso upang makuha mo ang kinakailangang paggamot. Sa Medi-Cal, maaari kang magpa-screening para sa kanser sa suso nang walang bayad.

Inirerekomenda ng United States Preventive Services Task Force na sumailalim ang lahat ng kababaihan sa screening kada dalawang taon simula edad 40 hanggang 74. Makipag-usap sa iyong provider ng pangunahing pangangalaga* (PCP) o OB-GYN tungkol sa sarili mong mga salik ng panganib.

Tatagal ang isang mammogram ng humigit-kumulang 10 hanggang 15 minuto. Nang paisa-isa, ididikit ang iyong suso sa mga metal na platong may sapat na diin upang manatiling nakapirmi habang kinukunan ng X-ray na larawan. Minsan ay maaaring hindi ito kumportable, ngunit saglit lang ito.

Ang maagang pagtuklas at paggamot ng kanser ay maaaring magligtas ng iyong buhay. Kapag may nakitang kanser, kabilang ang kumplikadong kanser, sasagutin ng Medi-Cal ang medikal na kinakailangang paggamot. Alamin ang higit pa sa iyong Handbook ng Miyembro.

Tumawag sa iyong PCP o OB-GYN ngayon upang mag-iskedyul ng mammogram para sa screening ng kanser sa suso! O, maghanap ng doktor dito.

 
*Ang provider ng pangunahing pangangalaga (PCP) mo ay ang iyong pangunahing doktor o provider ng pangangalagang pangkalusugan na tumutulong sa iyong manatiling malusog at nangangasiwa sa pangangalaga sa iyo.

Higit Pang Tulong mula sa SFHP

  • Serbisyo sa Customer: Kung kailangan mo ng tulong o mayroon kang anumang mga katanungan, tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-78001(800) 288-5555 (libre ang pagtawag), o 711 (TTY), Lunes–Biyernes, 8:00am–5:00pm.
  • Mga Serbisyo ng Interpreter: Maaari kang kumuha ng interpreter sa personal o sa telepono para sa iyong mga pagbisita para sa kalusugan. Kapag nagpa-appointment ka, isabay na rin ang paghiling ng interpreter.
  • Kailangan ng Masasakyan? Matutulungan ka ng SFHP na makakuha ng transportasyon papunta sa anumang medikal na appointment na saklaw ng Medi-Cal. Magtanong sa iyong provider o tumawag sa Serbisyo sa Customer.
  • Interesado sa Mga Benepisyo ng Medi-Cal? Tingnan kung makakakuha ka o ang iyong pamilya ng Medi-Cal sa pamamagitan ng SFHP.

Alamin pa ang tungkol sa iyong mga saklaw na benepisyo at serbisyo sa Medi-Cal.