Attention Medi-Cal members: do you get CalFresh benefits (food stamps)? The City of San Francisco is providing gift cards to cover your missing November benefits. Read our blog to learn more.

1(415) 547-7800 Makipag-ugnayan sa Amin

Nakatuon sa pagpapabuti ng mga resultang pangkalusugan ng iba’t ibang komunidad sa San Francisco.

Nakamit ng Medicaid (Medi-Cal) HMO line of business ng SFHP ang katayuang “Accredited” mula sa National Committee for Quality Assurance (NCQA). Gayundin, sa kauna-unahang pagkakataon, ang SFHP ay opisyal nang NCQA Health Equity Accredited plan.

Sinusuri ng NCQA Health Plan Accreditation kung gaano kahusay pinamamahalaan ng isang planong pangkalusugan ang lahat ng bahagi ng sistema ng paghahatid ng serbisyo nito – mga doktor, ospital, iba pang provider, at serbisyong administratibo – upang patuloy na mapabuti ang kalidad ng pangangalaga at mga serbisyo na ibinibigay sa mga miyembro nito. Sinusuri ng Health Equity Accreditation ng NCQA kung gaano kahusay sumusunod ang isang organisasyon sa mga pamantayan sa mga sumusunod na larangan: kahandaan ng organisasyon; lahi/etnisidad, wika, pagkakakilanlang kasarian at sekswal na oryentasyon; access at availability ng mga serbisyong pangwika; kakayahang pangkultura ng network ng practitioner; mga programang may mga angkop na serbisyong kultural at pangwika; at pagbawas sa mga pagkakaiba sa pangangalagang pangkalusugan.

Kinikilala ng tagumpay na ito ang kalidad ng pangangalaga na ibinibigay ng SFHP sa mga miyembro nito sa pakikipagtulungan sa aming network ng mga provider, pati na rin ang pagsusumikap ng aming masisigasig na kawani para makamit ang ganitong antas ng pambansang pagkilala.

Pinagtitibay ng mga gantimpalang ito ang estratehikong direksyon na itinakda ng aming Tagapamahalang Lupon at ang paninindigan sa aming misyon na pahusayin ang mga resultang pangkalusugan ng iba’t ibang komunidad ng San Francisco sa pamamagitan ng mga matagumpay na pagsasamahan.

×

Patakaran sa Cookies

Gumagamit kami ng cookies at iba pang tool upang gawing mas madaling gamitin ang aming website.