Mga Gantimpala sa Kalusugan
Sa San Francisco Health Plan, binibigyan namin ng reward ang aming mga miyembro sa paggawa ng mga hakbang sa pagpapabuti ng kanilang kalusugan. Kung kwalipikado ka, maaari kang makakuha ng mga gift card sa pamamagitan ng pagpunta sa mga pangkalusugang pagpapatingin.
Bakit mahalagang pumunta sa pangkalusugang pagpapatingin?
Makakatulong ang mga regular na pagpapatingin sa iyong provider ng pangunahing pangangalaga* (Primary Care Provider o PCP) sa maagang pagtuklas ng mga problema bago lumala ang mga ito. Maaari kang magtanong, kumuha ng pangangalaga, at maghanap ng suporta sa pamumuhay nang mahaba at malusog.
Mahalaga ang kalusugan mo
Tumutulong ang programang Mga Pangkalusugang Reward ng SFHP sa mga komunidad na posibleng mas nahihirapang regular na magpatingin. Tingnan sa ibaba ang listahan ng mga pangkalusugang pagpapatingin kung saan ka maaaring makakuha ng gift card kung kwalipikado ka.
Unang Pagpapatingin sa Kalusugan \ Prenatal na Pagpapatingin \ Postpartum na Pagpapatingin \ Pag-screen sa Paglaki ng Bata \ Pagpapatingin para sa Fluoride Varnish \ Screening para sa Kanser sa Bituka at Tumbong \ Pagpapatingin ng Batang Walang Sakit (Unang 15 Buwan) \ Pagpapatingin ng Batang Walang Sakit (Edad 3-11) \ Bisitang Well-Care (Edad 12-21)

Unang Pagpapatingin sa Kalusugan
Petsa ng Pagsisimula: 2024
Sino ang makakakuha ng reward?
Mga bagong miyembro sa loob ng 120 araw (4 na buwan) mula noong sumali sa SFHP Medi-Cal. Ang bagong miyembro ay isang tao na hindi naka-enroll sa Medi-Cal sa nakalipas na 12 buwan.
Ano ang gagawin ko upang makuha ko ang reward?
Pumunta sa iyong unang pagpapatingin sa kalusugan sa iyong PCP sa loob ng 120 araw (4 na buwan) mula noong sumali sa SFHP Medi-Cal.
Ano ang reward?
1 Raffle entry para sa isang gift card na hanggang $50.

Prenatal na Pagpapatingin
Petsa ng Pagsisimula: 2019
Sino ang makakakuha ng reward?
Kung nasa loob ka ng iyong 1st trimester ng pagbubuntis o sa loob ng 42 araw mula sa pagsali sa SFHP Medi-Cal.
Ano ang gagawin ko upang makuha ko ang reward?
Pumunta sa 1 prenatal check up.
Ano ang reward?
Isang gift card na nagkakahalaga ng hanggang $50.

Postpartum na Pagpapatingin
Petsa ng Pagsisimula: 2019
Sino ang makakakuha ng reward?
Kung nasa 2 hanggang 12 linggo ka pagkatapos ng pagbubuntis.
Ano ang gagawin ko upang makuha ko ang reward?
Pumunta sa 1 postpartum na pagpapatingin.
Ano ang reward?
Isang gift card na nagkakahalaga ng hanggang $50.

Pag-screen sa Paglaki ng Bata
Petsa ng Pagsisimula: 2023
Sino ang makakakuha ng reward?
Isang magulang o tagapag-aga ng isang bata sa loob ng unang 36 buwan (3 taon) ng buhay.
Ano ang gagawin ko upang makuha ko ang reward?
Dalhin ang iyong anak sa kanilang unang child developmental screening sa isang PCP sa loob ng unang 36 na buwan (3 taon) ng buhay.
Ano ang reward?
Isang gift card na nagkakahalaga ng hanggang $50.

Pagpapatingin para sa Fluoride Varnish
Petsa ng Pagsisimula: Setyembre 2025
Sino ang makakakuha ng reward?
Isang magulang o tagapag-alaga ng isang bata na may edad na 12 buwan (1 taon) hanggang 47 buwan (3 taon at 11 buwan).
Ano ang gagawin ko upang makuha ko ang reward?
Отведите своего ребенка на первую и вторую процедуру покрытия зубов фторлаком к лечащему врачу или стоматологу из сети SFHP.
Ano ang reward?
Подарочная карта номиналом до 50 долларов после каждого посещения.

Screening para sa Kanser sa Bituka at Tumbong
Petsa ng Pagsisimula: 2023
Sino ang makakakuha ng reward?
Mga itim o African American na may edad 45 hanggang 75.
Ano ang gagawin ko upang makuha ko ang reward?
Pumunta sa iyong unang colorectal cancer screening sa isang PCP.
Ano ang reward?
Isang gift card na nagkakahalaga ng hanggang $50.

Pagpapatingin ng Batang Walang Sakit (Unang 15 Buwan)
Petsa ng Pagsisimula: Setyembre 2025
Sino ang makakakuha ng reward?
Isang magulang o tagapag-alaga ng isang bata sa loob ng unang 15 buwan (1 taon at 3 buwan) ng buhay.
Ano ang gagawin ko upang makuha ko ang reward?
Dalhin ang iyong anak sa 6 o higit pang mga well-child visit sa isang PCP sa loob ng unang 15 buwan (1 taon at 3 buwan) ng buhay.
Ano ang reward?
Isang gift card na nagkakahalaga ng hanggang $50.

Pagpapatingin ng Batang Walang Sakit (Edad 3-11)
Petsa ng Pagsisimula: Setyembre 2025
Sino ang makakakuha ng reward?
Ang magulang o tagapag-alaga ng batang 3 hanggang 11 taong gulang. Dapat ay Black/African American, Native Hawaiian, Pacific Islander, American Indian, o Alaska Native siya.
Ano ang gagawin ko upang makuha ko ang reward?
Dalhin ang iyong anak sa personal na pagpapatingin ng batang walang sakit sa kanyang PCP o OB-GYN bago ang pagtatapos ng taon.
Ano ang reward?
Isang gift card na nagkakahalaga ng hanggang $50.

Bisitang Well-Care (Edad 12-21)
Petsa ng Pagsisimula: Setyembre 2025
Sino ang makakakuha ng reward?
Ang mga tao na 12 hanggang 21 taong gulang. Dapat ay Black/African American, Native Hawaiian, Pacific Islander, American Indian, o Alaska Native sila.
Ano ang gagawin ko upang makuha ko ang reward?
Pumunta sa 1 personal na pagpapatingin nang walang sakit sa iyong PCP o OB-GYN bago ang pagtatapos ng taon.
Ano ang reward?
Isang gift card na nagkakahalaga ng hanggang $50.
Hindi mo kailangang punan ang anumang form para makakuha ng gift card! Awtomatikong ipapadala sa koreo ang mga reward sa loob ng 8 linggo pagkalipas ng ng iyong (mga) pangkalusugang pagpapatingin. Kung hindi mo matatanggao ang gift card pagkalipas ng 8 linggo, mangyaring tawagan ang Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-7800, 1(800) 288-5555 (toll-free), o 711 (TTY), Lunes–Biyernes, 8:30am–5:30pm.
Kung lumipat ka kamakailan, mangyaring tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP para i-update ang iyong kasalukuyang mailing address at matiyak na makukuha mo ang iyong reward.
Hindi maaaring gamitin ang mga gift card para bumili ng mga armas, alak, o tabako.
*Ang provider ng pangunahing pangangalaga (PCP) mo ay ang iyong pangunahing doktor o provider ng pangangalagang pangkalusugan na tumutulong sa iyong manatiling malusog at nangangasiwa sa pangangalaga sa iyo.