Ano ang acupuncture?

Ang acupuncture ay kapag nagpapasok ng mga napakaliiit na karayom sa mga bahagi ng balat para makatulong sa pagpapagaling. Makakatulong ito sa pagbawas sa pangmatagalang pananakit (hindi gumagaling na pananakit) at mga pananakit ng ulo na migraine. Ginagawa ito ng mga sinanay na provider na tinatawag na Mga Acupuncturist. Sinasaklaw ng SFHP ang acupuncture para mabawasan ang pangmatagalang pananakit, na kilala bilang hindi gumagaling na pananakit, kasama ang pananakit ng ulo na migraine.

Gaano katagal bago bumuti ang pakiramdam?

Bumubuti ang pakiramdam ng karamihan ng mga tao sa loob ng ilang linggo pagkatapos simulan ang acupuncture. Karaniwang ginagawa ang acupuncture nang isa o dalawang beses sa isang linggo at kung minsan ay mas madalang habang nagsisimulang bumuti ang pakiramdam ng mga pasyente. Kakausapin ka ng acupuncturist tungkol sa planong gamutin ang iyong pananakit at babaguhin niya ang plano kung hindi bubuti ang pakiramdam mo.

Ano ang gagawin ng acupuncturist para gamutin ang aking pananakit?

Ang acupuncturist ay magpapasok ng napakaninipis na karayom sa balat. Napakanipis ng mga karayom kaya halos hindi mararamdaman ng karamihan sa mga tao ang mga ito. Kung minsan, ginagamit ang mga karayom kasama ng isang device na naglalabas ng napakahinang ng electrical stimulation sa mas malalaking kalamnan. Puwede ring gumamit ang acupuncturist ng ibang bagay tulad ng paggamit ng yelo, init, at masahe para mabawasan ang iyong pananakit. Puwede ka ring kausapin ng iyong acupuncturist tungkol sa masustansyang pagkain at mga kapaki-pakinabang na paraan para maigalaw ang katawan mo.

Maghanap ng provider ng acupuncture

Magagamit mo ang direktoryo ng sfhps provider online o tumawag sa SFHP serbisyo sa customer sa 1(800) 288-5555 o 1(415) 547-7800. Hindi mo kailangan ng rekomendasyon.