Alam mo ba na ang mga pagsusuri sa presyon ng dugo ay isang benepisyo sa Medi-Cal?

Hinihikayat ka ng San Francisco Health Plan na regular na magpasuri ng iyong presyon ng dugo upang matulungan ka at ang iyong doktor na malaman kung ikaw ay nasa panganib na magkaroon ng atake sa puso o stroke.

Diagnosis

Maaari mong malaman kung mayroon kang hypertension sa pamamagitan ng regular na pagpapasuri sa iyong presyon ng dugo. Kapag mayroon ka na nito, kadalasang habambuhay itong tumatagal.

Kung nasa pagitan ng 120/80 at 139/89 mmHg ang iyong reading, maaari kang magkaroon ng pre-hypertension. Ibig sabihin, wala kang mataas na presyon ng dugo ngayon, ngunit maaari kang magkaroon nito sa hinaharap.

Ang ilang tao ay may mas mataas na presyon ng dugo sa tanggapan ng isang provider kaysa sa presyon ng dugo na mayroon sila sa natitirang oras. Malalaman mo kung totoo ito para sa iyo sa pamamagitan ng pagpapasuri sa iyong presyon ng dugo sa isang parmasya, o sa pamamagitan ng paggamit ng blood pressure cuff. Dapat mong isulat ang mga resulta at ibahagi ang mga ito sa iyong provider.

Mga Source:
What Is High Blood Pressure? (NIH)
High Blood Pressure (MedlinePlus)

Higit Pang Tulong mula sa SFHP

  • Serbisyo sa Customer: Masasagot ng aming team ang iyong mga tanong tungkol sa mga benepisyo at serbisyo sa kalusugan. Tumawag sa 1(415) 547-7800, 1(800) 288-5555 (toll-free) o sa 1(415) 547-7830 TTY. Lunes hanggang Biyernes, 8:30am hanggang 5:30pm.
  • Mga Serbisyo ng Interpreter: Maaari kang kumuha ng interpreter sa personal o sa telepono para sa iyong mga pagbisita para sa kalusugan. Kapag nagpa-appointment ka, isabay na rin ang paghiling ng interpreter.
  • Kailangan ng Masasakyan? Matutulungan ka ng SFHP na makakuha ng transportasyon papunta sa anumang medikal na appointment na saklaw ng Medi-Cal. Magtanong sa iyong provider o tumawag sa Serbisyo sa Customer.
  • Interesado sa Mga Benepisyo ng Medi-Cal? Tingnan kung makakakuha ka o ang iyong pamilya ng Medi-Cal sa pamamagitan ng SFHP.

Alamin pa ang tungkol sa iyong mga saklaw na benepisyo at serbisyo sa Medi-Cal.