
Ang mga araw at linggo pagkatapos maipanganak ang iyong sanggol ay tinatawag na postpartum period.
Pagkatapos manganak, magsisimulang maghilom ang iyong katawan at sasailalim sa maraming pagbabago habang nagpapagaling ito. Ang ilan sa mga pagbabagong ito ay nangyayari sa loob ng ilang linggo. Magpahinga sa tuwing kaya mo, humingi ng tulong mula sa mga kaibigan at kapamilya, at kumain nang mabuti.
Paano nakakaapekto ang postpartum sa iyong mood?
Normal ang makaranmdam ng iba’t ibang emosyon sa panahong ito. Posibleng magbago ang iyong pokus. Posibleng maramdaman mong wala kang oras o lakas para sa iba pang mga bagay o tao. Posible ring maging malungkot ka. Makipag-usap sa iyong PCP o doula kung nakakaramdam ka ng kalungkutan nang higit sa ilang linggo.
Matutulungan ka ng mga doula na:
- Makakuha ng pisikal, emosyonal, at iba pang suporta na hindi medikal
- Makakuha ng edukasyong pangkalusugan
- Talakayin ang iyong pangangalagang pangkalusugan sa iyong mga provider
Paano Kumuha ng Doula
Maaari ka na ngayong kumuha ng suporta mula sa isang doula (nagpapaanak) nang walang bayad. Sinusuportahan ng mga doula ang mga tao bago ang, sa panahon ng, at pagkatapos ng pagbubuntis. Maaari kang makakuha ng pangangalaga ng doula nang hanggang sa isang taon pagkatapos ng iyong pagbubuntis. Tanungin ang iyong PCP tungkol sa pangangalaga ng doula o maghanap ng doula sa sfhp.org. Maaari mong makuha ang serbisyong ito nang walang bayad kung isa kang miyembro ng SFHP Medi-Cal.
Matuto pa tungkol sa postpartum na pangangalaga sa sfhp.org/wellness. Maghanap ng higit pang impormasyon tungkol sa postpartum depression sa mmhla.org/fact-sheets.