Hindi ba English ang inyong pangunahing wika?

Mahirap bang magbasa, magsalita, magsulat, o makaunawa sa English? Kung oo ang sagot ninyo, mayroon kayong karapatan sa mga serbisyo ng tagapagsalin nang wala kayong babayaran kapag kukuha kayo ng pangangalagang pangkalusugan o gagamit kayo ng mga serbisyo sa kalusugan.

Available ang mga serbisyo ng tagapagsalin nang 24 na oras sa isang araw. Matatanggap ninyo ang mga ito nang personal o sa pamamagitan ng serbisyo sa telepono. Ang inyong provider ay dapat mag-alok ng tagapagsalin, kahit na may kasama kayong kaibigan o miyembro ng pamilya na tutulong sa pagsasalin. Tandaang sinanay ang mga medikal na tagapagsalin upang matiyak na matatanggap ninyo ng inyong provider ang tamang impormasyon. Mayroon pa rin kayong karapatang tanggapin o tanggihan ang serbisyong ito.

Mayroon ba kayong mga tanong tungkol sa kung paano humiling ng tagapagsalin? Makipag-usap sa inyong provider. Matuto pa.

Higit Pang Tulong mula sa SFHP

  • Serbisyo sa Customer: Kung kailangan mo ng tulong o mayroon kang anumang mga katanungan, tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-78001(800) 288-5555 (libre ang pagtawag), o 711 (TTY), Lunes–Biyernes, 8:30am–5:30pm.
  • Mga Serbisyo ng Interpreter: Maaari kang kumuha ng interpreter sa personal o sa telepono para sa iyong mga pagbisita para sa kalusugan. Kapag nagpa-appointment ka, isabay na rin ang paghiling ng interpreter.
  • Kailangan ng Masasakyan? Matutulungan ka ng SFHP na makakuha ng transportasyon papunta sa anumang medikal na appointment na saklaw ng Medi-Cal. Magtanong sa iyong provider o tumawag sa Serbisyo sa Customer.
  • Interesado sa Mga Benepisyo ng Medi-Cal? Tingnan kung makakakuha ka o ang iyong pamilya ng Medi-Cal sa pamamagitan ng SFHP.

Alamin pa ang tungkol sa iyong mga saklaw na benepisyo at serbisyo sa Medi-Cal.