
Saan makakahanap ng suporta sa SF kapag kailangan mo ng tulong
Nakakaapekto sa kalusugan ng isip mo kung paano ka tinatrato ng iba, batay sa iyong kasarian o kung sino ang gusto mo. Halimbawa, maaaring maramdaman mong ligtas ka sa ilang lugar at hindi naman ligtas sa iba pa. Dahil dito, madalas na may mas matataas na rate ng mga isyu sa kalusugan ng isip ang mga miyembro ng LGBTQIA+.
Maaaring makaranas ng stigma (o panghuhusga) ang mga miyembro ng LGBTQIA+ sa ilang partikular na bahagi ng buhay nila. Maaaring ito ay sa kanilang pamilya, trabaho, paaralan, at marami pang iba.
Kabilang sa iba pang problema na maaaring maranasan ng mga miyembro ng LGBTQIA + na maaaring makaapekto sa kalusugan ng isip ang:
- Hindi Pagtanggap
- Trauma
- Paggamit ng ipinagbabawal na droga o pag-inom ng alak
- Hindi pagkakaroon ng maayos o ligtas na tahanan
- Mga pag-iisip na saktan ang iyong sarili
- Hindi maayos na pangangalaga sa kalusugan ng isip
Madalas na nagsasama-sama ang mga miyembro ng komunidad ng LGBTQIA+ para suportahan ang isa’t isa. Kung nakakaranas ka ng mga isyu sa kalusugan ng isip, maaari kang makakuha ng tulong.
Maghanap ng suporta sa San Francisco
Maaaring maharap sa napakaraming problema ang mga miyembro ng LGBTQIA+, pero hindi mo kailangang harapin ang mga ito nang mag-isa.
Makakatulong ang aming programa ng Pamamahala ng Pangangalaga na ikonekta ka sa mga madudulugan sa komunidad. Libre ang programang ito para sa mga miyembro ng SFHP. Tumawag sa
Higit pang suporta:
Mga nasa hustong gulang
- 988 na Lifeline para sa Pagpapatiwakal at Krisis
- Text Line para sa Krisis I-text ang HOME sa 741741
Lahat ng Edad
- Pambansang Hotline para sa LGBT 1(888) 843-4564
Pagsusuri sa HIV / STI
Pabahay
Kalusugan ng Isip
- Queer Life Space
- SF Community Health Center
- Kalusugan ng Isip ng Transgender
- UCSF Alliance Health Project
Panlipunang Suporta
Mga Partikular na Madudulugan ng Transgender
- El/La Para TransLatinas
- Gender Health SF (Mga Serbisyo ng Gender Affirming na Operasyon)
- Pangunahing Pangangalaga at Pangangalagang Nauugnay sa Paglipat
- Gabay sa Madudulugan ng Trans sa San Francisco Bay Area
- Trans Lifeline 1(877) 565-8860
- Transgender SF (Grupo ng suporta para sa transgender at gender non-confirming na komunidad)
Kabataan
- Center para sa Kabataang Miyembro ng LGBTQQ+ (LYRIC)
- Klinika para sa Kalusugan ng Queer na Kabataan ng Dimensions
- Homeless Youth Alliance
- Pambansang Talkline ng LGBT para sa Kabataan 1(800) 246-7743
- The Trevor Project
- TrevorLifeline 1(866) 488-7386
- TrevorText I-text ang START sa 678-678