Narito ang magagawa mo kung ikaw o ang taong mahal mo ay nangangailangan ng tulong.

Kung ikaw o ang isang taong kilala mo ay nagsasalita tungkol sa pagpapakamatay, sinasaktan ang kanyang sarili, may krisis sa kalusugan ng isip, o may problema sa droga o alkohol, maaari kang makakuha kaagad ng tulong.
Maaari kang:

  • Tumawag sa 988 upang makontak ang Suicide at Crisis Lifeline
  • Makipag-chat online sa 988lifeline.org/chat
  • Mag-text ng 988 sa 988
  • Para sa Espanyol, tumawag sa 1(800) 628-9454
  • Para sa mga gumagamit ng TTY, i-dial ang 711 pagkatapos ay 988

Libre at pribado ang 988 Suicide at Crisis Lifeline. Susuportahan ka ng isang sinanay na manggagawa sa krisis at magbibigay ng mga mapagkukunan na maaaring makatulong. Maaari kang makakuha ng tulong 24 na oras sa isang araw. Hindi mo kailangang maging suicidal para tumawag ng tulong. Maaari ka ring tumawag upang pag-usapan ang:

  • Depresyon, karamdaman sa isip, o pagkaramdam ng pag-iisa
  • Pakiramdam na nag-aalala tungkol sa pera
  • Mga relasyon
  • Sekswal na oryentasyon o pagkakakilanlan ng kasarian

Kung ikaw ay miyembro ng San Francisco Health Plan (SFHP), sasagutin ng SFHP ang gastusin ng pangangalaga mula sa pagtawag sa 988. Maaari ka ring makakuha ng pangangalaga sa kalusugan ng isip mula sa anumang sentro ng krisis o mobile unit kahit na wala sila sa network ng SFHP.

Mga Paraan Para Tulungan ang Kaibigan na Nagkakaproblema:

  • Isipin ang iyong kaligtasan. Kung pakiramdam mo ay ligtas ka, manatiling kasama ang tao, o hilingin sa isang taong pinagkakatiwalaan mo na manatiling kasama siya, hanggang sa dumating ang tulong.
  • Kausapin mo siya. Sabihin mo sa kanya na ayaw mong mamatay siya o makapinsala sa ibang tao.
  • Magpakita ng habag. Huwag makipagtalo sa tao o itanggi ang kanyang nararamdaman. Maaaring dagdagan lamang ng pagtatalo ang kanyang pakiramdam na hindi niya kontrolado ang kanyang buhay.

Maaaring Gamutin ang Mga Problema sa Kalusugan ng Isip

Makipag-usap sa iyong pangunahing provider ng pangangalaga* (PCP) kung nahihirapan ka sa iyong nararamdaman o stress. Gumagaling ang karamihang tao kapag ginamot. Maaari ka ring magplano ng personal o virtual na pagbisita sa aming partner na Carelon Behavioral Health sa pamamagitan ng pagtawag sa 1(855) 371-8117.

Para sa 24/7 na pangangalaga, maaari kang tumawag sa SFHP Nurse Advice Line sa 1(877) 977-3397. O bisitahin ang sfhp.org/teladoc upang makipag-usap sa isang doktor 24/7 sa pamamagitan ng telepono o video. Bisit ang aming page ng Mga Serbisyo sa Kalusugan ng Isip para malaman ang higit pa.

*Ang iyong provider ng pangunahing pangangalaga (PCP) ay ang doktor, assistant ng doktor, o nurse practitioner na nangangasiwa sa iyong pangangalagang pangkalusugan.

Mga Serbisyong May Pahintulot sa Menor de Edad

Kung ikaw ay wala pang 18 taong gulang, maaari kang makatanggap ng ilang serbisyo nang walang pahintulot mula sa magulang o tagapag-alaga. Tinatawag ang mga serbisyong ito na mga serbisyong may pahintulot sa menor de edad.
Kung ikaw ay isang menor de edad, maaari kang makakuha ng mga serbisyo sa kalusugan ng isip mula sa isang provider ng SFHP nang walang referral o naunang awtorisasyon. Hindi kasama rito ang mga espesyal na serbisyo sa kalusugan ng isip para sa mga pangangailangan na mas malubha. Alamin ang higit pa sa iyong SFHP Handbook ng Miyembro.

Higit Pang Tulong mula sa SFHP

  • Serbisyo sa Customer: Masasagot ng aming team ang iyong mga tanong tungkol sa mga benepisyo at serbisyo sa kalusugan. Tumawag sa 1(415) 547-7800, 1(800) 288-5555 (toll-free) o sa 1(415) 547-7830 TTY. Lunes hanggang Biyernes, 8:30am hanggang 5:30pm.
  • Mga Serbisyo ng Interpreter: Maaari kang kumuha ng interpreter sa personal o sa telepono para sa iyong mga pagbisita para sa kalusugan. Kapag nagpa-appointment ka, isabay na rin ang paghiling ng interpreter.
  • Kailangan ng Masasakyan? Matutulungan ka ng SFHP na makakuha ng transportasyon papunta sa anumang medikal na appointment na saklaw ng Medi-Cal. Magtanong sa iyong provider o tumawag sa Serbisyo sa Customer.
  • Interesado sa Mga Benepisyo ng Medi-Cal? Tingnan kung makakakuha ka o ang iyong pamilya ng Medi-Cal sa pamamagitan ng SFHP.

Alamin pa ang tungkol sa iyong mga saklaw na benepisyo at serbisyo sa Medi-Cal.