Makahingi ng tulong sa isang taong may katulad na kultura, wika, o karanasan sa kalusugan

May bagong benepisyo sa kalusugan ang Medi-Cal na tinatawag na Mga Health Worker sa Komunidad (Community Health Workers, CHW). Ang mga CHW ang iyong mga katuwang upang matiyak na makukuha mo ang pangangalagang pangkalusugan na kailangan mo. Sila ang mga lider sa komunidad na sumusuporta sa iyo.

May iba’t ibang posisyon sa trabaho ang CHW, gaya ng:

  • Mga Promotore
  • Mga kinatawan sa kalusugan ng komunidad
  • Mga Navigator
  • Mga propesyonal sa pag-iwas sa karahasan

Matutulungan ka ng mga CHW na malaman ang higit pa tungkol sa iyong kalusugan at gawing mas madali para sa iyo ang pangangalagang pangkalusugan. Kadalasan na kapareho mo sila ng wika, kondisyon sa kalusugan, o mga napagdaanang karanasan. Maaaring maging mahusay na suporta ang mga CHW sa paggawa ng mga malusog na pagbabago sa pamumuhay. Maaari silang makipag-usap sa iyo nang online o personal. Matutulungan ka ng CHW na:

  • Magpa-appointment
  • Makipag-usap sa iyong provider ng pangunahing pangangalaga* (PCP)
  • Makakuha ng kaalaman sa kalusugan
  • Ikonekta ka sa mga benepisyo (tulad ng mga tagapagsalin, transportasyon, pagkain)
  • Gumawa ng isang plano upang matugunan ang iyong mga pangangailangan sa kalusugan
  • Malaman ang mga proseso sa pabahay

Magkakaroon ka ng CHW kung mayroon kang partikular na problema sa kalusugan, gaya ng:

  • Kailangan ng tulong sa pagkuha ng regular na pangangalaga, tulad ng mga bakuna
  • May hindi gumagaling na kundisyon, tulad ng diabetes o hika
  • Gustong tumigil sa paninigarilyo, pag-vape, o pagnguya ng tabako
  • May problema sa paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot o pag-inom ng alak
  • Nakakaranas ng karahasan

Makakakuha ka ng CHW nang libre kung isa kang miyembro ng Medi-Cal. Tanungin ang iyong PCP kung maaari kang magkaroon ng CHW upang masuportahan ka o ang miyembro ng pamilya. Matuto pa sa Mga Serbisyo ng Health Worker sa Komunidad.

*Ang iyong provider ng pangunahing pangangalaga (PCP) ay ang iyong pangunahing doktor, assistant ng doktor, o nurse practitioner.

Higit Pang Tulong mula sa SFHP

  • Serbisyo sa Customer: Kung kailangan mo ng tulong o mayroon kang anumang mga katanungan, tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-78001(800) 288-5555 (libre ang pagtawag), o 711 (TTY), Lunes–Biyernes, 8:30am–5:30pm.
  • Mga Serbisyo ng Interpreter: Maaari kang kumuha ng interpreter sa personal o sa telepono para sa iyong mga pagbisita para sa kalusugan. Kapag nagpa-appointment ka, isabay na rin ang paghiling ng interpreter.
  • Kailangan ng Masasakyan? Matutulungan ka ng SFHP na makakuha ng transportasyon papunta sa anumang medikal na appointment na saklaw ng Medi-Cal. Magtanong sa iyong provider o tumawag sa Serbisyo sa Customer.
  • Interesado sa Mga Benepisyo ng Medi-Cal? Tingnan kung makakakuha ka o ang iyong pamilya ng Medi-Cal sa pamamagitan ng SFHP.

Alamin pa ang tungkol sa iyong mga saklaw na benepisyo at serbisyo sa Medi-Cal.