Mga Tip para sa proteksyon sa araw ngayong tag-init

Ang kanser sa balat ay ang pinakakaraniwang kanser sa United States at sa mundo. Isa sa 5 Amerikano ang nagkakaroon ng kanser sa balat sa edad na 70 taong gulang. Ang karamihan sa mga kanser sa balat ay dulot ng labis na pagkakalantad sa ultraviolet (UV) light. Ang mga UV ray ay hindi nakikitang uri ng radiation na nagmumula sa:

  • Araw
  • Mga tanning bed
  • Mga sunlamp

Ang mga UV ray ay maaaring makapinsala sa mga cell ng balat. May 3 iba’t ibang uri ng mga UV ray: Ultraviolet A (UVA), Ultraviolet B (UVB), at Ultraviolet C (UVC.)

Mahalaga ang proteksyon mula sa mga UV ray sa buong taon, hindi lang sa panahon ng tag-init. Malakas pa rin ang mga UV ray kahit sa mga maulap at malamig na araw. Nagre-reflect ang mga UV ray sa mga surface na tulad ng tubig, semento, buhangin, at niyebe.

Paano mapoprotektahan ang iyong balat mula sa araw:

  • Gumamit ng sunscreen na nagfi-filter ng mga UVA at UVB ray at may sun protection factor (SPF) na 15 pataas. Maglagay muli ng sunscreen kung nasa arawan ka nang mahigit sa 2 oras, at pagkatapos lumangoy, magpapawis, o gumamit ng tuwalya. Tingnan ang petsa ng pag-expire ng iyong sunscreen. Kung walang petsa ng pag-expire, karaniwang maaari lang itong tumagal nang 3 taon.
  • Manatili sa lilim sa ilalim ng payong, puno, o iba pang silungan kapag nasa labas.
  • Magsuot ng pamprotektang damit gaya ng mga long-sleeved shirt, pantalon, palda, o bestida. Maaari mo ring subukang magsuot ng T-shirt o pantakip kapag nasa dagat. Mas mapoprotektahan ka ng tuyong T-shirt mula sa mga UV ray kaysa sa isang basang T-shirt. Nagbibigay din ang mga dark-colored na damit ng higit pang proteksyon kaysa sa mga lighter-colored na damit.
  • Magsuot ng sumbrero na may brim na tumatakip sa iyong mukha, mga tainga, at likod ng iyong leeg. Iwasan ang mga straw hat na may mga butas na tinatagusan ng sinag ng araw. Maaaring mas maprotektahan ka ng mas dark na sumbrero mula sa UV ray.
  • Gumamit ng sunglasses upang maprotektahan ang iyong mga mata mula sa mga UV ray at mabawasan ang panganib mong magkaroon ng mga katarata (malabong paningin). Nagbibigay ng pinakamaraming proteksyon ang sunglasses na humaharang sa mga UVB at UVA ray. Nanghaharang ng mga ganitong uri ng mga ray ang karamihan sa sunglasses sa U.S.

Bisitahin ang American Cancer Society upang matuto pa tungkol sa pagiging ligtas sa araw.

 Higit Pang Tulong mula sa SFHP

  • Serbisyo sa Customer: Masasagot ng aming team ang iyong mga tanong tungkol sa mga benepisyo at serbisyo sa kalusugan. Tumawag sa 1(415) 547-7800 o sa 1(415) 547-7830 TTY. Lunes hanggang Biyernes, 8:30am hanggang 5:30pm.
  • Mga Serbisyo ng Interpreter: Maaari kang kumuha ng interpreter sa personal o sa telepono para sa iyong mga pagbisita para sa kalusugan. Kapag nagpa-appointment ka, isabay na rin ang paghiling ng interpreter.
  • Kailangan ng Masasakyan? Matutulungan ka ng SFHP na makakuha ng transportasyon papunta sa anumang medikal na appointment na saklaw ng Medi-Cal. Magtanong sa iyong provider o tumawag sa Serbisyo sa Customer.
  • Interesado sa Mga Benepisyo ng Medi-Cal? Tingnan kung makakakuha ka o ang iyong pamilya ng Medi-Cal sa pamamagitan ng SFHP.

Alamin pa ang tungkol sa iyong mga saklaw na benepisyo at serbisyo sa Medi-Cal.