Ang gabay mo sa pagtiyak sa kalusugan ng iyong pamilya

Ano ang Mga Bakuna?

Ang mga bakuna (tinatawag ding “mga iniksyon”) ay mga espesyal na gamot na tumutulong sa ating katawan na malabanan ang mga sakit. Nasa ibaba ang isang maikling gabay sa ilang inirerekomendang bakuna para sa mga sanggol at bata.

Mga Bakuna para sa mga Sanggol (0-2 Taon)

Ang mga sanggol ay nangangailangan ng maraming bakuna para maprotektahan sila mula sa malulubhang sakit.

Narito ang ilang mahalagang bakuna:

  • COVID-19: Nagbibigay ng proteksyon laban sa COVID-19.
  • Diphtheria, Tetanus, at Pertussis (DTaP): Nagbibigay ng proteksyon laban sa diphtheria (baradong paghinga), tetanus (tinatawag ding “lockjaw”), at tusperina.
  • Haemophilus Influenzae Type B (Hib): Nagbibigay ng proteksyon laban sa isang uri ng bacteria na maaaring magdulot ng mga malubhang impeksyon.
  • Hepatitis B (HepB): Nagbibigay ng proteksyon laban sa isang sakit sa atay na dulot ng virus na hepatitis B.
  • Pneumococcal (PCV15): Nagbibigay ng proteksyon laban sa pulmonya (impeksyon sa baga) at iba pang sakit na dulot ng bacteria na tinatawag na pneumococcus.
  • Polio (IPV): Nagbibigay ng proteksyon laban sa polio, isang sakit na maaaring magdulot ng pagkaparalisa (hindi makagalaw).
  • Rotavirus (RV): Nagbibigay ng proteksyon laban sa isang virus na nagdudulot ng pagtatae (matubig na dumi).

Mga Bakuna para sa Mga Bata (3-12 Taon)

Madalas na natatanggap ng mga bata ang mga bakunang ito bago sila magsimulang mag-aral, gaya ng:

  • COVID-19: Nagbibigay ng proteksyon laban sa COVID-19.
  • Hepatitis A (HepA): Nagbibigay ng proteksyon laban sa hepatitis A.
  • Influenza (Trangkaso): Ibinibigay bawat taon para magbigay ng proteksyon laban sa trangkaso.
  • Tigdas, Beke, at Rubella (Measles, Mumps, at Rubella, MMR): Nagbibigay ng proteksyon laban sa tigdas, beke, at rubella.
  • Varicella (Bulutong): Nagbibigay ng proteksyon laban sa bulutong.

Mahalagang makipag-ugnayan sa iyong provider ng pangunahing pangangalaga (primary care provider, PCP) tungkol sa kung aling mga bakuna ang kailangan ng mga bata. Makakatulong ang mga ito sa iyong pamilya na manatiling napapanahon sa mga iniksyon.

Makikita mo ang impormasyon sa bawat bakuna rito.

Makikita mo ang iskedyul ng inirerekomendang bakuna ayon sa edad na nakalista rito.

Para sa karagdagang impormasyon, maaari mong tingnan ang cdc.gov tungkol sa mga inirerekomendang bakuna para sa mga bata, adolescent, at matanda.

Higit Pang Tulong mula sa SFHP

  • Serbisyo sa Customer: Kung kailangan mo ng tulong o mayroon kang anumang mga katanungan, tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-78001(800) 288-5555 (libre ang pagtawag), o 711 (TTY), Lunes–Biyernes, 8:30am–5:30pm.
  • Mga Serbisyo ng Interpreter: Maaari kang kumuha ng interpreter sa personal o sa telepono para sa iyong mga pagbisita para sa kalusugan. Kapag nagpa-appointment ka, isabay na rin ang paghiling ng interpreter.
  • Kailangan ng Masasakyan? Matutulungan ka ng SFHP na makakuha ng transportasyon papunta sa anumang medikal na appointment na saklaw ng Medi-Cal. Magtanong sa iyong provider o tumawag sa Serbisyo sa Customer.
  • Interesado sa Mga Benepisyo ng Medi-Cal? Tingnan kung makakakuha ka o ang iyong pamilya ng Medi-Cal sa pamamagitan ng SFHP.

Alamin pa ang tungkol sa iyong mga saklaw na benepisyo at serbisyo sa Medi-Cal.