
Ang kolesterol ay isang uri ng fat (lipid). Kinakailangan ito para sa maraming function ng katawan at ginagawa ito ng iyong katawan. Nagmumula rin ito sa pagkaing kinakain mo (karne at mga produktong dairy). Ang ibig sabihin ngmataas na kolesterol ay masyadong marami ang kolesterol na LDL o ang “masamang” kolesterol sa iyong dugo. Ang kolesterol na LDL ay itinuturing na “masamang” kolesterol dahil maaari itong humantong sa pagbuo ng fat sa mga artery wall ng iyong puso. Maaari nitong mapataas ang iyong panganib sa pagkakaroon ng coronary artery disease (CAD), atake sa puso, at stroke.
Maaaring ituring ang kolesterol na HDL bilang “mabuting” kolesterol dahil ang pagkakaroon ng antas na mabuti sa kalusugan ay maaaring makatulong sa pagprotekta laban sa atake sa puso at stroke. Nakakatulong ang mabuting kolesterol sa pagtanggal ng kolesterol na hindi kailangan ng iyong katawan.
Ano ang nagsasanhi nito?
Sa karaniwan, hindi masasabi ng mga doktor kung ano talaga ang maaaring magdulot ng mataas na kolesterol. Ngunit maraming bagay ang maaaring magdulot ng mas malaking posibilidad sa pagkakaroon nito, gaya ng:
- * Pagkakaroon ng kapamilyang mayroon o nagkaroon ng mataas na kolesterol
-
Pagkain ng masyadong maraming pagkain na may saturated fat, gaya ng:
- Red meat
- Pinrosesong karne gaya ng bacon o mga hot dog
- Full-fat na dairy
- Mga karneng lamang-loob tulad ng atay
Ano ang mga sintomas?
Sa karamihan ng mga tao, walang naidudulot na sintomas ang mataas na kolesterol. Iyon ang dahilan kung bakit mahalagang sumailalim sa regular na pag-test ng dugo para magpasuri. Ang pag-test sa dugo lang ang tanging paraan para malaman ang mga antas ng kolesterol mo.
Paano ginagamot ang mataas na kolesterol?
Ang layunin ng paggamot ay mabawasan ang iyong panganib sa pagkakaroon ng atake sa puso o stroke. Ang dalawang pangunahing uri ng paggamot para sa mataas na kolesterol ay gamot at paraan ng pamumuhay na mabuti sa puso.
Kabilang sa paraan ng pamumuhay na mabuti sa puso ang sumusunod:
- Pagkain ng mga bagay na mabuti sa puso kabilang ang mas masustansyang pagkaing may mga unsaturated fat.
- Pagpapanatili ng timbang na mabuti sa iyong kalusugan. Makipag-usap sa iyong provider ng pangunahing pangangalaga* (PCP) kung kailangan mo ng tulong sa pagbabawas ng timbang.
- Pagiging aktibo sa karamihan sa mga araw sa linggo.
- Hindi paninigarilyo o hindi paggamit ng vape.
- Pamamahala sa iba pang problema sa kalusugan.
Mga Gamot
Posibleng kailanganin ng ilang tao na uminom ng mga gamot na tinatawag na mga statin kasabay ng pagkakaroon ng paraan ng pamumuhay na mabuti sa kalusugan. Ang mga statin ay nagpapababa ng panganib sa pagkakaroon ng atake sa puso o stroke. Kung minsan, gumagamit din ng ibang gamot. Makipag-usap sa iyong PCP tungkol sa kung anong uri ng paggamot ang naaangkop sa iyo.
*Ang provider ng pangunahing pangangalaga (PCP) mo ay ang iyong pangunahing doktor o provider ng pangangalagang pangkalusugan na tumutulong sa iyong manatiling malusog at nangangasiwa sa pangangalaga sa iyo.