
Mahalagang magpabakuna ang iyong anak para manatiling malusog
Ang mga bakuna ay pinapanatiling malusog ang iyong sanggol at pinipigilan nito ang mga sakit. Mahalagang makuha ng iyong anak ang lahat ng kanyang bakuna. Kung may makakaligtaang bakuna ang iyong anak, hindi mo kailangang magsimula ulit. Tawagan kaagad ang iyong Provider ng Pangunahing Pangangalaga* (PCP) para magpaiskedyul ng “pahabol” na pagbisita o para magtanong.
*Ang iyong Provider ng Pangunahing Pangangalaga (PCP) ay ang doktor, assistant ng doktor, o nurse practitioner na nangangasiwa sa iyong pangangalagang pangkalusugan.
Mga Bakuna sa Pagpapatingin ng Batang Walang Sakit:
Ang pagpapatingin ng batang walang sakit ay kapag sinusuri ng isang PCP ang paglaki at pag-unlad ng iyong sanggol. Isa rin itong pagbisita kung kailan magpapabakuna ang iyong anak para panatilihin siyang malusog.
Ang pagpapatingin ng batang walang sakit ay magandang panahon para itanong sa iyong PCP ang anumang tanong tungkol sa kalusugan ng iyong anak at para magtanong pa tungkol sa mga bakuna. Tiyaking isulat ang anumang tanong mo bago ka magpatingin sa PCP.
Narito ang ilang magagandang itanong sa iyong PCP sa iyong susunod na pagpapatingin ng batang walang sakit:
- Up to date ba ang aking anak sa lahat ng kanyang bakuna?
- Paano ko matutulungan ang aking anak na kumain nang masustansya?
- Paano ko matitiyak na may sapat na pisikal na aktibidad ang aking anak?
- Tanungin ang iyong PCP tungkol sa bilang ng mga dosis para sa bawat bakuna.
Mga Karaniwang Bakuna para sa Mga Bata:
Nakakatulong ang mga bakunang ito na mapaliit ang panganib na magkaroon ang iyong anak ng malulubhang sakit:
- Ang Hepatitis B (HepB) ay pumipigil sa sakit sa atay at kanser.
- Ang Rotavirus (RV) ay pumipigil sa malubhang pagtatae (malambot at matubig na dumi).
- Ang Diphtheria (DTaP) ay pumipigil sa mga problema sa paghinga, pamumulikat ng kalamnan, at tusperina.
- Ang Hemophilic Influenza type B (Hib) ay pumipigil sa meningitis (impeksyon sa utak), pulmonya (impeksyon sa baga), at impeksyon sa dugo.
- Ang Pneumococcal (PCV) ay pumipigil sa pulmonya (impeksyon sa baga), at meningitis (impeksyon sa utak).
- Ang Polio (IPV) ay pumipigil sa pagkaparalisa ng kalamnan at mga kapansanan.
- Ang COVID-19 ay pumipigil sa sakit na Coronavirus.
- Ang taunang bakuna sa Influenza (trangkaso) ay nagpoprotekta laban sa malulubhang sakit na dulot ng trangkaso).
- Ang Tigdas (MMR) ay pumipigil sa pulmonya (impeksyon sa baga), pagkabingi, at pagkasira ng utak.
- Ang Chickenpox (VAR) ay pumipigil sa mga pamamaga, impeksyon sa balat, pagkasira ng nerve, at kawalan ng paningin.
- Ang Hepatitis A (HepA) ay pumipigil sa lagnat, pagkapagod, at pagtatae (malambot at matubig na dumi).
Para sa higit pang impormasyon, tawagan ang Serbisyo sa Customer sa 1(415) 547-7800 o bisitahin ang