
Suporta para sa Mga Nakatatandang Nasa Hustong Gulang at Mga Nasa Hustong Gulang na may Mga Kapansanan
CAng Mga Serbisyo sa Komunidad para sa Nasa Hustong Gulang (CBAS) ay isang programang pangkalusugang pang-araw para sa mga nakatatandang nasa hustong gulang at mga nasa hustong gulang na may mga kapansanan. Tumutulong sa iyo ang CBAS na makakilos pa rin nang mag-isa at mamuhay nang ayon sa iyong kagustuhan. Maaari kang pumunta sa isang Sentro ng CBAS nang walang bayad para maiwasan ang pagpunta sa ospital sa hinaharap o ang pagkakalagay sa isang nursing home.
Sa isang Sentro ng CBAS, maaari kang humingi ng tulong sa:
-
- Mga kasanayan sa pag-aalaga ng sarili
- Mga pagpapatingin para sa kalusugan at wellness
- Pakikipag-usap sa iyong Provider ng Pangunahing Pangangalaga* (Primary Care Provider o PCP)
- Pagsubaybay sa iyong gamot
- Pagkuha ng masusustansyang pagkain
- Pagsusuri ng iyong kalusugan ng pag-iisip
- Mga aktibidad sa pakikisalamuha at pisikal na aktibidad tulad ng mga panggrupong paglalakad
- Pagsusuri para sa COVID-19
*Ang iyong Provider ng Pangunahing Pangangalaga (PCP) ay ang iyong doktor, assistant ng doktor, o nurse practitioner na nangangasiwa sa iyong pangangalagang pangkalusugan.
Maaari kang pumunta sa isang Sentro ng CBAS kung ikaw ay 18 taong gulang o mas matanda at may posibilidad na:
- May mahinang kalusugan.
- Bumisita nang maraming beses sa emergency room o mamalagi sa ospital.
- Mangailangan ng suporta para sa mga pang-araw-araw na aktibidad.
- Walang pamilya/tagapag-alaga o madalas na nag-iisa.
- Malito o hindi malaman kung nasaan ka.
- Magpagala-gala o maligaw.
Makipag-usap sa iyong PCP para magsimula sa CBAS. Maaari kang i-refer ng iyong PCP sa Sentro ng CBAS na pipiliin mo at gumagamit ng iyong wika. Matuto Pa.