Ang pagpunta sa pagbisita sa iyong doktor ay mahalaga para sa iyong kalusugan. Ang San Francisco Health Plan (SFHP) ay makakatulong sa iyo na magkaroon ng masasakyan—para makarating ka nang ligtas at nasa oras.

Nakikipagtulungan ang SFHP sa Modivcare para mabigyan ng mga masasakyan ang mga miyembro namin. Misyon ng Modivcare na maalis ang mga hadlang sa pag-access sa pangangalagang pangkalusugan, na kinokonekta ka sa mga angkop na solusyon sa transportasyon. Ang Modivcare ay tumutulong sa iyo na bisitahin ang iyong mga medikal na provider, makatanggap ng pangangalaga, o kunin ang iyong mga gamot. Maaari kang magkaroon ng masasakyan papunta sa iyong appointment sa pamamagitan ng kotse, bus, tren, o taxi. Matatanggap ng mga miyembro ng SFHP ang serbisyong ito nang walang bayad.

Kailangan ng tulong? Tawagan ang SFHP sa 1(415) 547-7800 o 711 (TTY).

Higit Pang Tulong mula sa SFHP

  • Serbisyo sa Customer: Kung kailangan mo ng tulong o mayroon kang anumang mga katanungan, tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-78001(800) 288-5555 (libre ang pagtawag), o 711 (TTY), Lunes–Biyernes, 8:30am–5:30pm.
  • Mga Serbisyo ng Interpreter: Maaari kang kumuha ng interpreter sa personal o sa telepono para sa iyong mga pagbisita para sa kalusugan. Kapag nagpa-appointment ka, isabay na rin ang paghiling ng interpreter.
  • Kailangan ng Masasakyan? Matutulungan ka ng SFHP na makakuha ng transportasyon papunta sa anumang medikal na appointment na saklaw ng Medi-Cal. Magtanong sa iyong provider o tumawag sa Serbisyo sa Customer.
  • Interesado sa Mga Benepisyo ng Medi-Cal? Tingnan kung makakakuha ka o ang iyong pamilya ng Medi-Cal sa pamamagitan ng SFHP.

Alamin pa ang tungkol sa iyong mga saklaw na benepisyo at serbisyo sa Medi-Cal.