Nag-aalok ang mga serbisyo ng Medi-Cal sa iyo ng dagdag na tulong nang libre

AngCommunity Supports (CS) ay mga espesyal na serbisyo ng pangangalaga para sa mga miyembro ng SFHP Medi-Cal. Matutulungan ka ng mga serbisyo ng CS na makahanap ng pabahay at magbayad para sa mga pagbabago sa bahay.

Ang mga bagong programa na magsisimula pagsapit ng Enero 1, 2024, ay kinabibilangan ng:

  • Sinasaklaw ng mga Deposito sa Pabahay ang mga minsanang gastos sa paglipat sa bahay kapag nakahanap ka ng bahay sa pamamagitan ng Mga Serbisyo sa Nabigasyon sa Pabahay ng SFHP.
  • Matutulungan ka ng Mga Serbisyo sa Pag-upa at Pagpapanatili ng Bahay na manatiling ligtas at mapanatili ang iyong tirahan.
  • Ang Mga Pag-aangkop sa Accessibility sa Kapaligiran (o Mga Pagbabago sa Bahay) ay mga pagbabago sa iyong bahay na makakatulong sa iyong makapamuhay nang ligtas at hindi nangangailangan ng suporta. Ito ay maaaring:
    • Mga rampa
    • Mga stairlift
    • Pagpapalapad ng mga pintuan para makapasok ang gumagamit ng wheelchair
    • Pag-aayos sa mga banyo at shower para maging wheelchair accessible
  • Matutulungan ka ng Paglipat Mula sa isang Pasilidad ng Pangangalaga kapag nakatira ka sa isang pasilidad ng pangangalaga at gusto mong makalipat nang ligtas at nangangailangan ka ng suporta

Mas marami pang mga serbisyo ng CS ang iaalok sa mga darating na buwan.

Bisitahin ang Community Supports na pahina para matuto pa. Makipag-usap sa iyong provider ng pangunahing pangangalaga* (PCP) para makita mo kung kwalipikado ka.

*Ang iyong provider ng pangunahing pangangalaga (PCP) ay ang iyong pangunahing doktor, assistant ng doktor, o nurse practitioner.

Higit Pang Tulong mula sa SFHP

  • Serbisyo sa Customer: Kung kailangan mo ng tulong o mayroon kang anumang mga katanungan, tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-7800, 1(800) 288-5555 (libre ang pagtawag), o 711 (TTY), Lunes–Biyernes, 8:00am–5:00pm.
  • Mga Serbisyo ng Interpreter: Maaari kang kumuha ng interpreter sa personal o sa telepono para sa iyong mga pagbisita para sa kalusugan. Kapag nagpa-appointment ka, isabay na rin ang paghiling ng interpreter.
  • Kailangan ng Masasakyan? Matutulungan ka ng SFHP na makakuha ng transportasyon papunta sa anumang medikal na appointment na saklaw ng Medi-Cal. Magtanong sa iyong provider o tumawag sa Serbisyo sa Customer.
  • Interesado sa Mga Benepisyo ng Medi-Cal? Tingnan kung makakakuha ka o ang iyong pamilya ng Medi-Cal sa pamamagitan ng SFHP.

Alamin pa ang tungkol sa iyong mga saklaw na benepisyo at serbisyo sa Medi-Cal.