
Manatiling Malusog, Madamang Pinakamalusog Ka
Narito ang SFHP para tulungan kang makuha ang pinakamagandang pangangalagang posible, upang magkaroon ka ng aktibo at malusog na buhay – anuman ang hitsura nito sa iyo. Ang pagkuha ng nasa oras na pangangalaga sa wikang sinasalita mo ay makakatulong sa iyong subaybayan ang iyong kalusugan, at maiwasan o mapamahalaan ang mga mas malalang isyu sa kalusugan.
Mga Serbisyo sa Pangangalagang Pang-iwas sa Sakit
Sinasaklaw ng SFHP ang maraming serbisyong pang-iwas sa pagkakasakit nang wala kang babayaran. Ang mga serbisyong ito ay makakatulong sa iyo na mapanatili ang pinakamaganda mong kalusugan at mahanap ang anumang malalang problema sa kalusugan bago pa ito lumala. Kabilang sa mga saklaw na serbisyo ang:

Makakatulong sa iyo ang mga regular na check-up sa iyong provider ng pangunahing pangangalaga (PCP) na manatiling malusog at makipag-usap tungkol sa anumang alalahanin sa kalusugan na mayroon ka.

Sa mga screening, cmaaaring mahanap ang mga problema nang maaga upang makuha mo ang pangangalagang kailangan mo. Maaari kang magpa-screen para sa diabetes, mataas na presyon ng dugo, mga impeksyong naipapasa sa pakikipagtalik (sexually transmitted infections o mga STI), at marami pang iba. Alamin kung paano ka makakakuha ng mga gift card para sa mga partikular na screening ng kalusugan.

Mapoprotektahan ka ng mga bakuna (iniksyon) mula sa mga malalang sakit na tulad ng trangkaso, tigdas, at tetanus (o "lockjaw").

Ang mga pagbista para sa well-care ay makakatulong upang matiyak ang maayos na paglaki at pag-unlad ng mga bata. Maaaring kumuha ang iyong anak ng mga screening ng kalusugan, iniksyon, at suportang kailangan niya sa isang pagbisita para sa well-care. Alamin ang iba pa tungkol sa pangangalaga para sa mga bata hanggang sa edad na 21.
Mag-iskedyul ng Check-up sa Iyong PCP
Sa loob ng 4 na buwan (120 araw) mula nang sumali ka sa SFHP, dapat kang sumailalim sa isang check-up sa iyong provider ng pangunahing pangangalaga (PCP). Huwag maghintay hanggang sa magkasakit ka. Makakatulong sa iyo ang pag-iskedyul ng pagbisita ngayon na:
- Makilala ang Iyong PCP
- Magbahagi pa tungkol sa iyong mga pangangailangan sa kalusugan
- Makakuha ng pangangalaga nang mas mabilis sa hinaharap
Sa panahon ng iyong check-up, matutulungan ka ng iyong PCP na makakuha ng anumang screening, iniksyon, o test na kailangan mo. Tanungin ang iyong PCP kung anong mga iniksyon at screening ang naaangkop para sa iyo.

Paano Kumuha ng Pangangalaga
Madali lang kumuha ng pangangalaga sa SFHP. Tawagan ang iyong PCP kung kailangan mo ng check-up, kung gusto mo ng payo para sa problema sa kalusugan, o kung magkakasakit o masasaktan ka. Matutulungan ka rin ng iyong PCP na makakuha ng pangangalaga ng espesyalista kung kailangan mo ito.
Nakalista ang numero ng telepon ng iyong PCP sa likod ng iyong SFHP Member ID card. O, maaari kang maghanap ng PCP na malapit sa iyo sa Direktoryo ng Provider. Kung kailangan mo ng tulong o mayroon kang anumang mga katanungan, tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-7800, 1(800) 288-5555 (libre ang pagtawag), o 711 (TTY), Lunes–Biyernes, 8:30am–5:30pm.

Para sa higit pang tulong, maaari ka ring makipag-ugnayan sa:
Linya para sa Payo ng Nurse: Makipag-usap sa nurse nang 24/7 sa pamamagitan ng pagtawag sa 1(877) 977-3397.
Linya para sa Pamamahala sa Pangangalaga: Maghanap ng suporta para mas maunawaan mo ang iyong kalusugan, mga gamot, at pangangalaga. Tawagan ang team ng Pamamahala sa Pangangalaga ng SFHP sa 1(415) 615-4515.
Kailangan ng Tulong sa Iyong Pangangalagang Pangkalusugan?
Alamin ang higit pa tungkol sa Medi-Cal, kung kwalipikado ka, at kung paano panatilihin ang iyong saklaw sa sfhp.org/qualify.
Para sa personal na suporta, bumisita sa Sentro ng Serbisyo ng SFHP Matutulungan ka ng aming team na mag-apply at mag-enroll sa Medi-Cal. Matutulungan ka rin nilang maghanap ng iba pang pangkalusugang programa at resource na angkop sa iyo. Bumisita sa sfhp.org/service-center para matuto nang higit pa.