Walang Kailangang Aksyon para sa 2027, Hindi Kailangang Magpalit ng Plano

  • Naka-enroll ka na sa SFHP Care Plus (HMO D-SNP)
  • Awtomatikong magpapatuloy ang iyong coverage hanggang 2027
  • Hindi mo na kailangang mag-enroll ulit o tumawag para mapanatili ang iyong plano sa parehong coverage na pinagkakatiwalaan mo, DAGDAG pa ang mga bagong karagdagang benepisyo
  • Maaari kang makakita ng mga ad o makatanggap ng mga tawag tungkol sa iba pang plano – ngunit HINDI mo kailangang gumawa ng anumang pagbabago
  • Ang pananatili sa SFHP Care Plus ay nagsisiguro na walang magiging abala sa iyong pangangalaga

Mga Pinahusay na Benepisyo para sa 2027

  • $0 para sa lahat ng saklaw na inireresetang gamot
  • $90 kada buwan para sa mga over-the-counter (OTC) na item tulad ng mga bitamina, aspirin, pangunang lunas, atbp.
  • $50,000 bawat taon para sa emergency at agarang pangangalaga habang naglalakbay ka sa labas ng USA

Para matulungan kang manatiling malusog, iniaalok namin ang mga sumusunod na programa:

Kung kwalipikado ka*, mayroon ka ring mga sumusunod na benepisyo:

  • Maaari ding gamitin ng mga kwalipikadong miyembro ang kanilang $90/buwan na OTC na benepisyo para sa mga grocery at utility (telepono, kuryente, heater, atbp.)
  • 24 na one-way na sakay papunta sa lugar ng pagsamba, sentro ng komunidad, at gym

Hanggang $75 na gantimpala kapag nakumpleto mo ang ilang partikular na aktibidad para sa kalusugan:

  • Kumuha ng pang-iwas na pangangalaga tulad ng mga screening para sa kanser sa suso o kanser sa colon o rectum
  • Kumpletuhin ang iyong survey sa Pagtatasa ng Panganib sa Kalusugan bawat taon
  • Magpabakuna laban sa trangkaso

Walang pagbabago sa mga benepisyong inaasahan mo na.

Pangangalaga sa paningin

  • $0 para sa taunang pagsusuri sa mata
  • $300 para sa mga salamin o contact lens
Pangangalaga sa ngipin

  • $0 para sa mga crown, pagre-rebase ng mga pustiso, bridge
  • $0 para sa pagsusuri na lampas sa coverage ng Medi-Cal
Acupuncture

  • $0 para sa 24 na regular na acupuncture na pagbisita bilang karagdagan sa Medicare/Medi-Cal
Chiropractor

  • $0 para sa 12 regular na chiropractic na pagbisita bilang karagdagan sa Medicare/Medi-Cal
Mga Hearing Aid

  • $2,000 na allowance para sa mga iniresetang hearing aid, $0 para sa mga pagsusuri sa pandinig

*Ang mga benepisyong ito ay bahagi ng Mga Espesyal na Karagdagang Benepisyo para sa may Hindi Gumagaling na Sakit (Special Supplemental Benefits for the Chronically Ill, SSBCI). Aabisuhan ka namin kung natutugunan mo ang mga kinakailangan (dapat ay may hindi gumagaling na kondisyon tulad ng diabetes, altapresyon, dapat ay nasa mataas na panganib para sa pagpapaospital/komplikadong pangangalaga, at dapat ay nangangailangan ng pagsasaayos ng pangangalaga.

Ang SFHP Care Plus (HMO D-SNP) ay isang planong HMO na may kontrata sa Medicare at Medi-Cal. Nakadepende ang pagpapatala sa SFHP Care Plus sa pag-renew ng kontrata.

Higit Pang Tulong mula sa SFHP

  • Serbisyo sa Customer: Kung kailangan mo ng tulong o mayroon kang anumang mga katanungan, tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-7800, 1(800) 288-5555 (libre ang pagtawag), o 711 (TTY), Lunes–Biyernes, 8:00am–5:00pm.
  • Mga Serbisyo ng Interpreter: Maaari kang kumuha ng interpreter sa personal o sa telepono para sa iyong mga pagbisita para sa kalusugan. Kapag nagpa-appointment ka, isabay na rin ang paghiling ng interpreter.
  • Kailangan ng Masasakyan? Matutulungan ka ng SFHP na makakuha ng transportasyon papunta sa anumang medikal na appointment na saklaw ng Medi-Cal. Magtanong sa iyong provider o tumawag sa Serbisyo sa Customer.
  • Interesado sa Mga Benepisyo ng Medi-Cal? Tingnan kung makakakuha ka o ang iyong pamilya ng Medi-Cal sa pamamagitan ng SFHP.

Alamin pa ang tungkol sa iyong mga saklaw na benepisyo at serbisyo sa Medi-Cal.