Ang Alzheimer’s disease ang pinakakaraniwang anyo ng dementia. Isa itong kondisyon sa isip na unti-unting binabago ang memorya, pag-iisip at mga pang-araw-araw na gawain. Sa maaagang yugto nito, ang Alzheimer’s at iba pang anyo ng dementia ay kadalasang tinutukoy bilang Mild Cognitive Impairment (MCI). Normal lang na makalimutan o mawala ang mga bagay paminsan-minsan. Ngunit kapag nagsisimula na itong maging sagabal sa iyong pang-araw-araw na buhay, maaaring maagang senyales ito ng Alzheimer’s.

Karamihan ng mga taong may Alzheimer’s ay edad 65 o mas matanda. Ang maagang pangangalaga ay makakatulong sa iyong manatiling ligtas at suportado. Makakatulong din itong pigilan o pabagalin ang paglala ng sakit.

5 Senyales na maaaring panahon nang makipag-usap sa isang doktor

  1. Paulit-ulit na pagtatanong
  2. Naliligaw sa mga lugar na dating kabisado mo
  3. Nahihirapang sumunod sa mga recipe o direksyon
  4. Mas lalong naguguluhan tungkol sa oras, mga tao, at lugar
  5. Hindi pag-aalaga sa sarili, tulad ng hindi pagkain nang maayos, hindi pagligo, o hindi ligtas na pagkilos

Kung napapansin mo ang mga senyales na ito, makipag-usap sa iyong provider ng pangunahing pangangalaga (primary care provider, PCP). Ang iyong PCP ang personal na doktor mo kung kailangan mong magpatingin, gusto ng payo sa problema sa kalusugan, o kung nagkasakit o napinsala ka.

Ipaiskedyul ang Iyong Taunang Pagpapatingin para sa Wellness

Ang mga regular na pagpapatingin ay nakakatulong na matukoy ang mga pagbabago nang maaga. Sa iyong taunang pagpapatingin para sa wellness, posibleng gawin ng iyong PCP ang:

  • Magtanong tungkol sa memorya at pag-iisip upang masuri nang mas mabuti ang iyong kalusugan
  • Suriin ang iyong mga gamot upang malaman kung nagdaragdag sa mga sintomas mo ang alin sa mga ito, o kung makakatulong sa iyo ang iba pang gamot.
  • Tulungan kang pangalagaan ang mga kondisyon tulad ng mataas na presyon ng dugo o diabetes na magpapaliit ng pagkakataong mangyayari o lalala ang Alzheimer’s.
  • Iugnay ka sa mga kapaki-pakinabang na serbisyo, tulad ng masusustansyang pagkain, pabahay, suportang panlipunan, o transportasyon.

Mga Benepisyo ng SFHP Care Plus (HMO D-SNP)

Pinagsasama ng SFHP Care Plus ang Medicare at Medi Cal. Kabilang dito ang:

*Gamitin ang iyong SFHP Care Plus Card sa mga tindahang tumatanggap nito, o mag-order online para sa paghahatid sa bahay.
**Ang mga benepisyo ng SSBCI ay bahagi ng isang karagdagang programa para sa mga may hindi gumagaling na sakit. Hindi lahat ng miyembro ay kwalipikado.

Ipaiskedyul ang Iyong Checkup Ngayon

Tumawag sa iyong doktor ngayon para magpa-appointment. Kapag tumawag ka, humingi ng mga serbisyo ng interpreter kung kailangan mo nito. Tiyaking isulat ang anumang alalahanin o tanong mo.

Ang maliliit na hakbang ngayon ay maaaring makatulong na protektahan ang kalusugan mo bukas!

Kung kailangan mo ng tulong sa pagpapa-appointment o may mga tanong ka, mangyaring tumawag sa Serbisyo sa Customer sa 1(415) 547-7800 o para sa SFHP Care Plus (HMO D-SNP) sa 1(833) 530-7327 o 711 (TTY).

Higit Pang Tulong mula sa SFHP

  • Serbisyo sa Customer: Kung kailangan mo ng tulong o mayroon kang anumang mga katanungan, tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-7800, 1(800) 288-5555 (libre ang pagtawag), o 711 (TTY), Lunes–Biyernes, 8:00am–5:00pm.
  • Mga Serbisyo ng Interpreter: Maaari kang kumuha ng interpreter sa personal o sa telepono para sa iyong mga pagbisita para sa kalusugan. Kapag nagpa-appointment ka, isabay na rin ang paghiling ng interpreter.
  • Kailangan ng Masasakyan? Matutulungan ka ng SFHP na makakuha ng transportasyon papunta sa anumang medikal na appointment na saklaw ng Medi-Cal. Magtanong sa iyong provider o tumawag sa Serbisyo sa Customer.
  • Interesado sa Mga Benepisyo ng Medi-Cal? Tingnan kung makakakuha ka o ang iyong pamilya ng Medi-Cal sa pamamagitan ng SFHP.

Alamin pa ang tungkol sa iyong mga saklaw na benepisyo at serbisyo sa Medi-Cal.