Maraming mas matatanda ang mas nahihirapang makatulog nang maayos. Puwedeng magpahirap sa kanilang pagpapahinga ang mga pagbabago sa katawan, pangmatagalang kundisyon sa kalusugan, o ilang partikular na gamot. Puwede ring makaapekto sa iyong pagtulog ang init ng tag-init.
Subukan ang mga tip na ito:
- Panatilihing malamig at madilim ang iyong kwarto.
- Magkaroon ng nakakakalmang routine bago matulog, tulad ng banayad na pag-uunat o pagbabasa.
- Bawasan ang pagtitig sa screen bago matulog, kabilang ang pagtitig sa mga telepono, kompyuter at telebisyon. Kung gumagamit ka ng mga device na ito, isaalang-alang ang mga aktibidad na makakatulong sa pagtulog tulad ng pakikinig sa nakaka-relax na musika.
- Iwasan ang caffeine sa hapon o gabi.
- Manatiling aktibo sa umaga para matulungan ang iyong katawang mag-relax sa gabi.
- Kung ikaw ay humihilik nang malakas, humihinto ang paghinga habang natutulog, o nakakaramdam ng sobrang pagod sa umaga, makipag-ugnayan sa iyong PCP.
Ang pagkakaroon ng maayos na pagtulog ay nakakatulong sa iyong memorya, mood, at kabuuang kalusugan.
Magpaiskedyul ng iyong Taunang Pagpapatingin para sa Wellness ngayon!
Ang $0 na pagpapatinging ito ay isang magandang pagkakataon para makipag-ugnayan sa iyong PCP tungkol sa pagtulog at anumang pagbabago sa iyong kalusugan. Alamin pa sa SFHP Care Plus.