Mahal naming Miyembro ng SFHP: Hindi naabot ng Kongreso ang isang kasunduan sa pagpopondo para sa Fiscal Year 2026, at ang pederal na pamahalaan ay isinara noong Oktubre 1. Bagama’t hindi natin alam kung gaano katagal ang pagsasara, magpapatuloy ang SFHP sa mga operasyon nito bilang normal. Maa-access mo pa rin ang pangangalaga na kailangan mo. Nagsusumikap kaming matiyak na hindi magambala ang iyong access sa pangangalaga. Kung makaranas ka ng anumang isyu, makipag-ugnayan sa Customer Service ng SFHP sa 1(415) 547-7800 o nang toll-free sa 1(800) 288-5555 (puwedeng i-dial ng user ng TTY ang 711). Bukas kami mula Lunes hanggang Biyernes, mula 8:00am hanggang 5:00pm.

1(415) 547-7800 Makipag-ugnayan sa Amin

Nakaraan

Binuo ang SFHP noong 1994 bilang isa sa Mga Lokas na Planong Pangkalusugan ng California – isang inisyatiba na magbigay ng abot-kayang saklaw sa kalusugan sa mga pamilyang may mababa at katamtamang laki na kita na nakatira sa San Francisco. Lumago kami mula noon upang maghatid ng mga serbisyo ng insurance sa kalusugan sa mahigit 190,000 San Franciscan. Narito lahat sa San Francisco ang pagpipiliian ng mga mahusay na doktor, ospital, at klinika, malapit sa kung saan nakatira at nagtatrabaho ang aming mga miyembro.

Nakipagtulungan ang SFHP sa Lungsod at County ng San Francisco at sa dedikadong grupo ng mga provider upang magbigay ng pangkalahatang saklaw sa lahat ng San Franciscan, anuman ang status nila sa imigrasyon. Simula nang maipasa ang Ordinansa sa Seguridad ng Pangangalagang Pangkalusugan noong 2006 at mailunsad ang makabagong programa ng Healthy San Francisco noong 2007, nakapagbigay ang SFHP ng mga serbisyo ng third party administrator (TPA) para sa mga programa ng Healthy San Francisco at SF City Option.

Natatangi ang San Francisco na gaya ng mga taong naninirahan dito. Bilang lokal na planong pangkalusugan, kilala namin ang lungsod; kilala namin ang mga taong naninirahan dito; at iniakma kami na tumugon sa mga pangangailangan nila. Bilang pampublikong ahensya, wala kaming shareholder. Nananatili sa komunidad ang aming mga kita at ginagamit ang anumang sobra upang mapahusay ang mga serbisyo ng pasyente, mapalawak anbg saklaw at sa pangkalahatan, ay mapahusay ang kalusugan ng komunidad.

×

Patakaran sa Cookies

Gumagamit kami ng cookies at iba pang tool upang gawing mas madaling gamitin ang aming website.