
1 sa 36 na bata ay na-diagnose na may ASD
Ang Autism Spectrum Disorder (ASD) ay isang developmental disorder na dulot ng mga pagkakaiba-iba sa utak. Maaaring may mga limitadong interes at paulit-ulit na pag-uugali ang mga taong namumuhay nang may ASD. Maaari ding may mga sarili silang paraan ng pag-aaral, paggalaw, o pagtuon. Kadalasan, ang mga taong namumuhay nang may ASD ay may mga problema sa pakikipag-usap at pakikipag-ugnayan sa iba.
Ano ang Nagsasanhi ng ASD?
Maaaring kasama sa mga salik ng panganib ang:
- Isang kapatid na may autism.
- Mas matatandang magulang.
- Ilang partikular na gene, tulad ng Down syndrome, fragile X, at Rett syndrome.
- Napakababang timbag nang ipanganak, mga problema habang ipinapanganak, o lubos na pagka-premature.
Ang ASD ay maaaring hindi gaanong matindi hanggang sa malubha. Maaaring iba-iba ang uri ng mga sintomas na mayroon ang isang tao at kung gaano kalubha ang mga ito. Maaaring hindi makagawa ng mga pagkilos ang ilang bata nang walang maraming tulong mula sa mga magulang o tagapag-alaga. Ang iba ay maaaring matuto ng mga kasanayang panlipunan at berbal at makapasok sa kolehiyo at makapagtrabaho. Ang pagdiskubre at paggamot sa ASD nang maaga ay nakatulong sa maraming tao na makapamuhay nang maayos.
Mga Developmental Screening para sa Maagang Diyagnosis at Suporta
Madalas na nakikita ang mga senyales ng autism pagsapit ng 2 o 3 taong gulang, o mas maaga. Tiyaking dalhin ang anak mo sa mga regular na well-child na pagbisita kung saan maaaring magsagawa ang kanyang doktor ng developmental na pagsusuri. Nakakatulong ang pagsusuring ito para malaman kung kailangan ng iyong anak ng karagdagang suporta. Kung kinakailangan ito, makakatulong ang dagdag na suporta sa iyong anak na maging malusog hangga’t maaari.
Maaari kang makakuha ng $50 na gift card sa pamamagitan ng pagdadala sa iyong anak sa kanyang unang developmental na pagsusuri! Madalas na ginagawa ang mga developmental na pagsusuri sa 9 na buwan, 18 buwan, at 30 buwan. Matuto pa sa Mga Gantimpala sa Kalusugan ng SFHP.
Suporta para sa ASD ng SFHP
Sa SFHP, makakakuha ka ng suporta kung ikaw o ang iyong kapamilya ay na-diagnose na may ASD.
Kasama sa mga benepisyong ito ang:
- Paggamot sa kalusugan ng pag-uugali tulad ng applied behavior analysis (ABA) therapy para makatulong sa ilang partikular na kasanayan.
- Speech at language therapy para makatulong sa pakikipag-usap.
- Occupational therapy para makatulong na magkaroon ng mga kasanayan para sa pang-araw-araw na pamumuhay at pagsali sa mga aktibidad.
- Physical therapy para magkaroon ng mga kasanayan sa pagkilos at makatulong sa mga problema sa balanse at lakas ng kalamnan.
- Gamot para gamutin ang mga sintomas na nauugnay sa ASD, tulad ng pagkabalisa, hirap sa pagtuon , o pagkakaroon ng maraming enerhiya.
- Transportasyon sa mga pagpapatingin para sa kalusugan.
Makipag-usap sa iyong provider ng pangunahing pangangalaga (PCP) kung gusto mo ang mga serbisyong ito para sa iyo o sa isang kapamilya. Matuto pa sa Mga Serbisyo sa Kalusugan ng Pag-uugali at Pag-iisip.