Mga sintomas na dapat malaman at tip sa pag-iwas sa hepatitis C

Ano ang Hepatitis C?

Ang Hepatitis C (kilala rin bilang Hep C) ay isang sakit na dulot ng isang virus na nakakaapekto sa atay. Sa kalaunan, maaari itong humantong sa cirrhosis, na pagkapinsala at pagkakaroon ng pilat sa atay. Maaari itong humantong sa panghihina ng atay o kanser sa atay.

May ilang tao na nagkakaroon ng hepatitis C na impeksyon na panandalian lamang (acute) at pagkatapos ay gumagaling na rin. Gayunpaman, nagkakaroon ng pangmatagalang (hindi gumagaling) impeksyon ang karamihan sa mga taong nadadapuan ng hepatitis C virus.

Ano ang nagsasanhi nito?

Ang Hepatitis C ay sanhi ng hepatitis C virus (HCV). Kumakalat ito sa pamamagitan ng pagdikit sa apektadong dugo. Ang pinakakaraniwang paraan ng pagkakaroon ng hepatitis C ay sa pamamagitan ng paghihiraman ng mga karayom, hiringgilya, o iba pang kagamitang nadidikit sa dugo.

Maaari kang makakuha ng hepatitis C mula sa hindi protektadong pakikipagtalik. Hindi mo ito makukuha mula sa kaswal na kontak na tulad ng pagyakap, paghalik, o paghahati sa pagkain o inumin.

Ano ang mga sintomas?

Walang anumang sintomas ang karamihan sa mga taong may hepatitis C. Kung may mga sintomas, maaaring kabilang sa mga ito ang:

  • Pagkahapo (pakiramdam na pagod na pagod)
  • Pananakit ng tiyan at mga kasukasuan
  • Makating balat
  • Mga kumikirot na kalamnan
  • Napakadilaw na ihi
  • Jaundice (kapag naninilaw ang balat at mga mata)
Paano ito nada-diagnose?

Ang hepatitis C ay maaaring gamutin sa pamamagitan ng gamot. May simpleng pagsusuri sa dugo para malaman kung may hepatitis C ka at kailangan mong magpagamot. Inirerekomenda ng Centers for Disease Control (CDC) ang pagsusuri para sa hepatitis C sa:

  • Lahat ng nasa hustong gulang na may edad na 18 taon pataas nang kahit isang beses man lang sa kanilang buhay.
  • Lahat ng buntis na tao sa panahon ng bawat pagbubuntis.

Kung sa palagay mo ay maaaring nanganganib ka o may panganib ka na magkaroon ng hepatitis C, kausapin ang iyong provider ng pangunahing pangangalaga* (PCP) at magtanong tungkol sa pagpapasuri.

Alamin pa ang tungkol sa hepatitis C sa cdc.gov.

*Ang isang provider ng pangunahing pangangalaga (PCP) ay ang iyong pangunahing doktor, assistant ng doktor, o nurse practitioner.

 Higit Pang Tulong mula sa SFHP

  • Serbisyo sa Customer: Masasagot ng aming team ang iyong mga tanong tungkol sa mga benepisyo at serbisyo sa kalusugan. Tumawag sa 1(415) 547-7800 o sa 1(415) 547-7830 TTY. Lunes hanggang Biyernes, 8:30am hanggang 5:30pm.
  • Mga Serbisyo ng Interpreter: Maaari kang kumuha ng interpreter sa personal o sa telepono para sa iyong mga pagbisita para sa kalusugan. Kapag nagpa-appointment ka, isabay na rin ang paghiling ng interpreter.
  • Kailangan ng Masasakyan? Matutulungan ka ng SFHP na makakuha ng transportasyon papunta sa anumang medikal na appointment na saklaw ng Medi-Cal. Magtanong sa iyong provider o tumawag sa Serbisyo sa Customer.
  • Interesado sa Mga Benepisyo ng Medi-Cal? Tingnan kung makakakuha ka o ang iyong pamilya ng Medi-Cal sa pamamagitan ng SFHP.

Alamin pa ang tungkol sa iyong mga saklaw na benepisyo at serbisyo sa Medi-Cal.