
Mahalaga ang pag-aalaga sa kalusugan ng pag-iisip mo, lalo na kapag nakakaramdam ka ng stress o pagkabalisa.
Ang kalusugan ng pag-iisip ay ang estado ng iyong isip, mga nararamdaman, at iniisip. Maaari itong makaapekto sa maraming bahagi ng iyong buhay, gaya sa iyong katawan, iyong mga relasyon, at sa pagtuon mo sa trabaho o sa paaralan.
Ang pangangalaga sa kalusugan ng pag-iisip ay para sa lahat.Kunin ang pangangalagang kailangan mo:
- Makipag-usap sa isang espesyalista sa pamamagitan ng Carelon Behavioral Health. Carelon na nag-aalok ng mild-to-moderate na pangangalaga sa kalusugan ng pag-iisip para sa lahat ng miyembro ng SFHP Medi-Cal. Maaari kang maghanap ng espesyalista sacarelonbehavioralhealth.com o tumawag ng toll-free sa 1(855) 371-8117. Hindi mo kailangan ng referral.
- Tumawag sa San Francisco Behavioral Health Services (SFBHS) sa 1(888) 246-3333 o bisitahin ang sfdph.org para makakuha ng pangangalaga para sa mga kondisyon sa kalusugan ng pag-iisip na nangangailangan ng espesyalidad, pag-inom ng alak, o paggamit ng droga.
- Tumawag sa 988 para sa 24/7 na Lifeline sa Pagpapakamatay at Krisis na makakapagkonekta sa iyo sa isang libre at pribadong suporta sa kalusugan ng pag-iisip. O bisitahin ang 988lifeline.org. Hindi mo kailangang maging suicidal para tumawag.
Maghanap ng higit pang mga tip tungkol sa kung paano pamahalaan ang kalusugan ng iyong pag-iisip sa sfhp.org/wellness.