Kung isa kang miyembro ng SFHP Care Plus (HMO D-SNP), puwede kang makakuha ng Taunang Pagpapatingin para sa Wellness nang $0.
Makakatulong sa iyo ang taunang pagpapatinging ito na makaiwas sa mga sakit o kapansanan.
Sa iyong pagpapatingin, magagawa mong:
- Tingnan ang iyong mga vital sa kalusugan (tulad ng timbang at presyon ng dugo)
- Magtanong ng kahit ano
- Makakuha ng personal na payo
- Magtanong tungkol sa iyong gamot
- Magplano para sa pangangalaga para sa hinaharap
- Makakuha ng listahan ng mga screening na kailangan mo (tulad ng kanser sa suso o kanser sa malaking bituka)
- Suriin ang kalusugan ng iyong utak
- Suriin ang iyong medikal na kasaysayan at kasaysayan ng iyong pamilya
Sa pagpapatinging ito, may pupunan kang survey na tinatawag na Pagtatasa sa Panganib sa Kalusugan (Health Risk Assessment, HRA). Tutulungan ka at ang iyong doktor ng HRA na gumawa ng planong pangkalusugan para lang sa iyo. Makakatulong sa iyo ang planong ito na manatiling malusog at maiwasang magkasakit.
Tawagan ang iyong provider ng pangunahing pangangalaga (PCP)* ngayon para magpaiskedyul ng pagpapatingin! Matuto pa saPagsisimula sa Iyong Bagong Plano.
Ang iyong PCP ay ang personal mong doktor kung kailangan mong magpatingin, gusto mo ng payo sa problema sa kalusugan, o kung nagkasakit o nasaktan ka.