Maraming mas matatanda ang mas nahihirapang makatulog nang maayos. Puwedeng magpahirap sa kanilang pagpapahinga ang mga pagbabago sa katawan, pangmatagalang kundisyon sa kalusugan, o ilang partikular na gamot. Puwede ring makaapekto sa iyong pagtulog ang init ng tag-init.

Subukan ang mga tip na ito:

  • Panatilihing malamig at madilim ang iyong kwarto.
  • Magkaroon ng nakakakalmang routine bago matulog, tulad ng banayad na pag-uunat o pagbabasa.
  • Bawasan ang pagtitig sa screen bago matulog, kabilang ang pagtitig sa mga telepono, kompyuter at telebisyon. Kung gumagamit ka ng mga device na ito, isaalang-alang ang mga aktibidad na makakatulong sa pagtulog tulad ng pakikinig sa nakaka-relax na musika.
  • Iwasan ang caffeine sa hapon o gabi.
  • Manatiling aktibo sa umaga para matulungan ang iyong katawang mag-relax sa gabi.
  • Kung ikaw ay humihilik nang malakas, humihinto ang paghinga habang natutulog, o nakakaramdam ng sobrang pagod sa umaga, makipag-ugnayan sa iyong PCP.

Ang pagkakaroon ng maayos na pagtulog ay nakakatulong sa iyong memorya, mood, at kabuuang kalusugan.

Magpaiskedyul ng iyong Taunang Pagpapatingin para sa Wellness ngayon!

Ang $0 na pagpapatinging ito ay isang magandang pagkakataon para makipag-ugnayan sa iyong PCP tungkol sa pagtulog at anumang pagbabago sa iyong kalusugan. Alamin pa sa SFHP Care Plus.

Higit Pang Tulong mula sa SFHP

  • Serbisyo sa Customer: Kung kailangan mo ng tulong o mayroon kang anumang mga katanungan, tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-7800, 1(800) 288-5555 (libre ang pagtawag), o 711 (TTY), Lunes–Biyernes, 8:00am–5:00pm.
  • Mga Serbisyo ng Interpreter: Maaari kang kumuha ng interpreter sa personal o sa telepono para sa iyong mga pagbisita para sa kalusugan. Kapag nagpa-appointment ka, isabay na rin ang paghiling ng interpreter.
  • Kailangan ng Masasakyan? Matutulungan ka ng SFHP na makakuha ng transportasyon papunta sa anumang medikal na appointment na saklaw ng Medi-Cal. Magtanong sa iyong provider o tumawag sa Serbisyo sa Customer.
  • Interesado sa Mga Benepisyo ng Medi-Cal? Tingnan kung makakakuha ka o ang iyong pamilya ng Medi-Cal sa pamamagitan ng SFHP.

Alamin pa ang tungkol sa iyong mga saklaw na benepisyo at serbisyo sa Medi-Cal.