Ang Health Center Awareness Week ay mainam na panahon para pag-isipan ang iyong kalusugan at ang pangangalagang kailangan mo. Narito para sa iyo ang network ng mga health center ng SFHP. Nagbibigay ang mga ito ng pinagkakatiwalaan at mapag-alagang suportang malapit sa iyong tahanan.
Kung miyembro ka ng SFHP Care Plus (HMO D-SNP), narito ang isang hakbang na magagawa mo ngayon, ipaiskedyul ang iyong Taunang Pagpapatingin para sa Wellness. Wala itong bayad, at nakakatulong ito sa iyong manatiling nakasubaybay sa iyong kalusugan.
Ano ang Taunang Pagpapatingin para sa Wellness?
Isa itong taunang pagpapatingin sa iyong provider ng pangunahing pangangalaga (PCP). Ang iyong PCP ay ang personal mong doktor kung kailangan mong magpatingin o gusto mo ng payo sa problema sa kalusugan.
Ang isang Taunang Pagpapatingin para sa Wellness ay hindi para sa panahong may sakit ka. Panahon ito para pagtuunan ang iyong kabuuang kalusugan at ang iyong kinabukasan.
Bakit mahalaga ito:
- Alamin ang kalagayan ng iyong katawan at kaisipan
- Suriin ang iyong mga gamot
- Pag-usapan ang mga screening para matukoy nang maaga ang mga problema
- Makakuha ng mga tip para sa masustansyang pagkain, pagtulog, at pag-eehersisyo
- Kontrolin ang mga kondisyon tulad ng diabetes o mataas na presyon ng dugo
Kahit na mabuti ang pakiramdam mo, maaaring magbago ang iyong kalusugan sa paglipas ng panahon. Nakakatulong ang pagpapatingin na ito para maiwasan ang mga sakit at manatiling malusog.
Ang pagpapatingin na ito ay para sa iyo
Magtanong at ibahagi ang iyong mga alalahanin. Narito ang iyong team ng pangangalaga para suportahan ka! Alamin pa sa SFHP Care Plus.
Handa nang magsimula?
Tumawag sa iyong PCP ngayon. Makikita mo ang kanilang numero sa iyong SFHP ID card. Kung kailangan mo ng tulong o mayroon kang mga tanong, tawagan ang Serbisyo sa Customer ng SFHP Care Plus sa 1(415) 539-2273, 1(833) 530-7327 (toll-free), o 711 (TTY), 8:00am–8:00pm.
Bukas kami pitong araw sa isang linggo mula Oktubre–Marso at sarado kami tuwing Sabado at Linggo mula Abril–Setyembre.