Mga Serbisyo sa Ngipin
Kung ikaw ay isang miyembro ng Medi-Cal, makakakuha ka ng dentista sa pamamagitan ng Medi-Cal Dental (tinatawag ding Denti-Cal).
Upang makahanap ng dentista, bisitahin ang Medi-Cal Dental o tumawag sa 1(800) 322-6384 (toll free), o 1(800) 735-2922 (TTY).
Maghanap ng dentista para sa iyong anak sa San Francisco sa Departamento ng Kalusugan ng Publikon ng SF o tumawag sa Women & Children’s Health Referral Line sa 1(800) 300-9950.
Ano ang sinasaklaw ng Medi-Cal Dental para sa mga nasa hustong gulang:
- Mga pagsusuri ng ngipin (tuwing 12 buwan)
 - Mga X-ray
 - Paglilinis ng mga ngipin (tuwing 12 buwan)
 - Scaling and root planing
 - Fluoride varnish (tuwing 12 buwan)
 - Mga pasta ng ngipin
 - Mga crown
 - Mga root canal
 - Mga partial at buong pustiso
 - Mga pag-reline ng pustiso
 - Pagbunot ng ngipin
 - Mga serbisyong pang-emergency
 - Pagpapakalma (kung kinakailangan dala ng medikal na dahilan)
 
Ano ang sinasaklaw ng Medi-Cal Dental para sa mga bata:
- Mga pagsusuri ng ngipin (tuwing 6 na buwan)
 - Mga X-ray
 - Paglilinis ng mga ngipin (tuwing 6 na buwan)
 - Fluoride varnish (tuwing 6 na buwan)
 - Mga sealant para sa mga bagang
 - Mga pasta ng ngipin
 - Mga root canal
 - Pagbunot ng ngipin
 - Mga serbisyong pang-emergency
 - Mga serbisyong pang-outpatient
 - Pagpapakalma (kung kinakailangan dala ng medikal na dahilan)
 
Bisitahin ang Medi-Cal Dental kung may mga tanong ka tungkol sa iyong mga benepisyo, tulad ng kung paano palitan ang iyong dentista o upang maghain ng isang karaingan.
Kung kailangan mo ng tulong o mayroon kang anumang mga katanungan, tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-7800, 1(800) 288-5555 (libre ang pagtawag), o 711 (TTY), Lunes–Biyernes, 8:00am–5:00pm.