Mga Materyales ng Miyembro ng SFHP Medi-Cal
Madaling ma-access ang iyong mahahalagang dokumento ng SFHP Medi-Cal sa page na ito. Ibinibigay ng SFHP ang mga sangguniang ito para matulungan kang maunawaan ang iyong mga benepisyo at serbisyo sa Medi-Cal nang sa gayon ay masulit mo ang iyong pangangalagang pangkalusugan.
Sa ibaba, makikita mo ang mga elektronikong kopya ng iyong mga materyales ng miyembro ng SFHP.
Ipapadala sa iyo sa pamamagitan ng koreo ang Welcome Packet sa loob ng 10 araw mula sa pagpapatala sa SFHP bilang iyong Medi-Cal Plan.
Ipinapadala sa iyo sa pamamagitan ng koreo isang beses sa isang taon ang Taunang Materyales ng Miyembro kung ikaw ay aktibong miyembro ng SFHP Medi-Cal at pinili mong matanggap ang mga ito.
Puwede kang makakuha ng mga materyales ng SFHP sa wikang kailangan mo nang walang bayad. Nag-aalok kami ng mga materyales sa wikang Ingles, Espanyol, Chinese, Vietnamese, Russian at Tagalog.
Kung kailangan mo ng mga materyales sa ibang wika, o nakukuha mo ang mga ito sa maling wika, mangyaring tawagan ang Serbisyo sa Customer.
Maaari mo ring tawagan ang Serbisyo sa Customer para humiling ng ibang format, tulad ng:
- Braille
- Audio
- Na-encrypt o hindi na-encrypt na data
- Malalaking print
Maaari mong makuha ang mga materyales sa mga format na ito nang walang bayad.
*Maaaring hindi ipakita ng Handbook ng Miyembro ang pinakabagong impormasyon para sa Community Supports.