1(415) 547-7800 Makipag-ugnayan sa Amin

Medicare at Medi-Cal: Paano Gumagana ang Dobleng Saklaw sa SFHP

Ang mga miyembrong may parehong saklaw ng Medicare at Medi-Cal ay tinatawag na “mga miyembrong kwalipikado sa dalawa (dual-eligible members).” Posible kang makakuha ng saklaw ng Medicare at Medi-Cal mula sa magkakahiwalay na planong pangkalusugan, o makuha ang lahat ng iyong saklaw sa isang Dual Eligible Special Needs Plan (D-SNP).

Alamin kung paano gumagana ang iyong saklaw, kung sino ang magbabayad para sa iyong pangangalaga, at kung paano makakatulong ang SFHP para gawing mas simple ang iyong pangangalagang pangkalusugan.

Humingi ng Tulong para Maunawaan ang Iyong Saklaw

Bilang miyembrong kwalipikado sa dalawa at may parehong Medicare at Medi-Cal, ang Medicare ang iyong pangunahing insurance. Palaging nauunang magbayad ang Medicare bago magbayad ang Medi-Cal para sa iyong pangangalaga.

May saklaw ka ba ng Medi-Cal sa SFHP, at saklaw ng Medicare sa ibang planong pangkalusugan? Nangangahulugan ito na babayaran lang ng SFHP ang pangangalagang saklaw ng Medi-Cal.

Hiwalay ang Medicare sa Medi-Cal at may magkakaibang tuntunin ang mga ito. Para matuto pa tungkol sa iyong saklaw, basahin ang mga dokumentong nagmula sa iyong planong Medicare o sa programang Medicare.

O, bisitahin kami sa medicare.gov para matuto pa.

Anong Pangangalaga sa Medi-Cal ang Sinasaklaw ng SFHP?

Binabayaran ng SFHP ang pangangalagang saklaw ng Medi-Cal na HINDI binabayaran ng iyong insurance ng Medicare.

Ang pangangalaga sa Medi-Cal na binabayaran ng SFHP ay nakadepende sa saklaw ng Medicare na mayroon ka na.

Mayroon ka bang Orihinal na Medicare Part A lang?

  • Saklaw ng Medicare Part A ang pangangalaga sa ospital, ngunit hindi ang mga pagpapatingin sa doktor at iba pang pangangalagang outpatient.
  • Sasaklawin ng SFHP ang pangangalagang outpatient na matatanggap mo mula sa mga provider ng SFHP na nasa network. Posibleng mangailangan ka ng paunang awtorisasyon (panunang pag-apruba) mula sa SFHP para magpatingin sa doktor na nasa labas ng network.

Mayroon ka bang Orihinal na Medicare Part B lang?

  • Saklaw ng Medicare Part B ang pangangalagang outpatient, ngunit hindi ang pangangalaga sa ospital.
  • Sasaklawin ng SFHP ang pangangalagang nakukuha mo mula sa mga ospital na nasa network ng SFHP. Posibleng mangailangan ka ng paunang pag-apruba mula sa SFHP para makatanggap ng hindi emergency na pangangalaga sa isang ospital na nasa labas ng network.

Mayroon ka bang Orihinal na Medicare Part A at B, o Part C Medicare Advantage Plan?

  • Sasaklawin ng SFHP ang pangangalagang saklaw ng Medi-Cal na hindi saklaw ng Medicare mo.

Para matuto pa tungkol sa iyong mga benepisyo sa Medi-Cal, tingnan ang iyong Handbook ng Miyembro ng SFHP.

Aling Mga Provider ng Medi-Cal ang Puwede Kong Bisitahin?

Una, tingnan ang harap ng iyong ID Card ng Miyembro ng SFHP para mahanap ang iyong medikal na grupo.

Kung ang iyong medikal na grupo ay Direktang Network ng SFHP (SDN):

  • Hindi mo kailangang pumili ng provider ng pangunahing pangangalaga (PCP)*.
  • * Puwede kang makakuha ng pangangalaga mula sa alinmang provider ng SFHP na nasa network sa kahit anong medikal na grupo. Para makahanap ng mga available na provider ng Medi-Cal, maghanap sa Direktoryo ng Provider ng SFHP. Puwede kang maghanap ayon sa zip code, uri ng provider, at marami pa.

Kung ang medikal na grupo mo ay hindi SDN:

  • Pipili ka o itatalaga sa iyo ang isang PCP na mamamahala sa iyong pangangalaga. Puwede ka ring isangguni ng iyong PCP sa mga espesyalista (mga ekspertong doktor sa isang uri ng pangangalagang pangkalusugan).
  • Para makahanap ng mga nasa network na provider ng Medi-Cal, maghanap sa Direktoryo ng Provider ng SFHP. Puwede kang maghanap ayon sa iyong medikal na grupo, zip code, uri ng provider, at marami pa.
Tandaan: puwede kang patuloy na magpatingin sa mga provider na tumatanggap ng iyong saklaw ng Medicare, kahit na hindi sila mga provider ng SFHP.

Medicare + Medi-Cal, Lahat sa Iisang Plano: SFHP Care Plus

Mayroon ka na bang Medi-Cal sa pamamagitan ng San Francisco Health Plan (SFHP)? Ngayon, makukuha mo na ang iyong saklaw sa Medicare at Medi-Cal lahat sa iisang plano sa pamamagitan ng SFHP Care Plus (HMO D-SNP).

Sa pamamagitan ng SFHP Care Plus, makukuha mo ang Medicare + Medi-Cal nang magkasama, kasama ang mga karagdagang benepisyo sa halagang $0 at naka-personalize na suporta. At lahat ng ito ay mula sa SFHP, ang iyong lokal na planong pangkalusugan sa loob ng halos 30 taon at #1 na pagpipilian sa SF para sa Medi-Cal.

Gusto mo bang mag-sign up para sa SFHP Care Plus—o miyembro ka na? Para magpatala, tingnan ang iyong mga benepisyo at marami pa, bisitahin ang sfhp.org/care-plus.

*Ang iyong provider ng pangunahing pangangalaga (PCP) ay ang iyong personal na doktor kung kailangan mo ng check-up, gusto mo ng payo tungkol sa problema sa kalusugan, o kung nagkasakit o nasaktan ka.

Kung kailangan mo ng tulong o mayroon kang anumang mga katanungan, tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-7800, 1(800) 288-5555 (toll-free), o 711 (TTY), Lunes–Biyernes, 8:00am–5:00pm.

×

Patakaran sa Cookies

Gumagamit kami ng cookies at iba pang tool upang gawing mas madaling gamitin ang aming website.