Pangangalaga ng Medi-Cal Dental para sa Malusog na Ngipin at Gilagid
Ang pagpapanatiling malusog ng iyong mga ngipin, gilagid, at bibig ay makakatulong upang matiyak na may maganda kang ngiti sa mga darating na taon. Sa Medi-Cal Dental, ikaw at ang iyong pamilya ay puwedeng makakuha ng kinakailangang pangangalaga sa ngipin upang suportahan ang iyong kalusugan sa bibig. Alamin kung paano makahanap ng dentista sa San Francisco at makakuha ng pangangalaga tulad ng mga taunang check-up, mga paggamot gamit ang fluoride, at marami pa.
Kumuha ng Kumpletong Pangangalaga sa pamamagitan ng Medi-Cal Dental
Saklaw ng Medi-Cal Dental ang buong pamilya pagdating sa pangangalaga sa ngipin. Bilang miyembro ng SFHP, makakakuha ka ng maraming serbisyo sa ngipin nang mura o libre.
Sinasaklaw ng Medi-Cal Dental ang mga serbisyong ito para sa mga nasa hustong gulang:
- Mga pagsusuri ng ngipin tuwing 12 buwan (1 taon)
- Mga X-ray
- Paglilinis ng mga ngipin tuwing 12 buwan (1 taon)
- Scaling and root planing
- Fluoride varnish tuwing 12 buwan (1 taon)
- Mga pasta ng ngipin
- Mga crown
- Mga root canal
- Mga partial at buong pustiso
- Mga pag-reline ng pustiso
- Pagbunot ng ngipin
- Mga serbisyong pang-emergency
- Pagpapakalma (kung kinakailangan dala ng medikal na dahilan)
Sinasaklaw ng Medi-Cal Dental ang mga serbisyong ito para sa mga bata:
- Mga pagsusuri ng ngipin tuwing 6 na buwan
- Mga X-ray
- Paglilinis ng mga ngipin tuwing 6 na buwan
- Fluoride varnish tuwing 6 na buwan
- Mga sealant para sa mga bagang
- Mga pasta ng ngipin
- Mga root canal
- Pagbunot ng ngipin
- Mga serbisyong pang-emergency
- Mga serbisyong pang-outpatient
- Pagpapakalma (kung kinakailangan dala ng medikal na dahilan)
Gustong matuto pa tungkol sa iyong mga benepisyo sa ngipin? Bisitahin ang smilecalifornia.org para tingnan ang iyong Handbook ng Miyembro ng Medi-Cal Dental.
Maghanap ng Dentista sa San Francisco
Kailangang maghanap o palitan ang iyong dentista? Bisitahin ang Medi-Cal Dental at i-click ang tool na “Maghanap ng Provider” para makahanap ng dentista ng Medi-Cal na malapit sa iyo. Puwede mo ring tawagan ang Medi-Cal Dental sa 1(800) 322-6384 (toll free), o 1(800) 735-2922 (TTY). Para makahanap ng lokal na dentista ng Medi-Cal para sa iyong anak, bisitahin ang SF Department of Public Health. O, tawagan ang Women & Children’s Health Referral Line sa 1(800) 300-9950.
Matuto Pa at Humingi ng Tulong sa Iyong mga Benepisyo sa Ngipin
Maraming sanggunian angMedi-Cal Dental upang matulungan kang malaman ang tungkol sa iyong mga benepisyo at mapabuti ang iyong kalusugan sa bibig. Maaari mo ring bisitahin ang Medi-Cal Dental upang maghain ng reklamo.