1 sa 5 nasa hustong gulang sa U.S. ay nakararanas ng pagkabalisa o depresyon. Posibleng mayroon itong maraming dahilan, tulad ng pagkawala ng mahal sa buhay, paghihiwalay, o pagharap sa paraan ng pakikitungo sa iyo ng ibang tao. Kapag ang malungkot na pakiramdam ay nagtatagal at nakakaapekto na sa normal na pagkilos mo araw-araw, posibleng may depresyon ka.
Ang ilang sintomas ng depresyon ay:
- Pagkain nang mas marami o mas kaunti kaysa sa karaniwan
- Pagtulog nang kulang o nang sobra
- Pag-iisip na saktan ang sarili mo
Maaaring mas maraming hamon ang kinakaharap ng mga galing sa pamilyang imigrante, mga kabilang sa LGBTQIA+ na komunidad, at mga komunidad ng may kulay. Maaari nitong gawing mas mahirap ang paghingi ng tulong.
Hindi ka nag-iisa. Nakikipagtulungan ang SFHP sa Carelon Behavioral Health para mag-alok sa iyo ng:
- One-on-one o panggrupong suporta
- Mga pagsusuri para sa kalusugan ng pag-iisip
- Gamot kung kinakailangan
Pribado ang pangangalaga mo at hindi nangangailangan ng referral.
Tumawag sa Carelon sa 1(855) 371-8117 bisitahin ang carelonbehavioralhealth.com para makapagsimula.