Maraming tao ang nakakaramdam ng mga pagbabago sa kanilang kalusugan sa pag-iisip kapag sila ay buntis (“prenatal”) at pagkatapos nilang manganak (“postpartum”). Ang mga isyu sa kalusugan sa pag-iisip sa panahong ito ay karaniwan at magagamot.

Ang mga karaniwang sintomas ng postpartum depression ay:

  • Pag-iyak nang mas madalas
  • Galit
  • Malayo ang loob sa iyong sanggol
  • Malayo ang loob sa mga mahal sa buhay
  • Kaba
  • Pag-iisip na saktan ang sarili mo
  • Pag-iisip na saktan ang sanggol mo
  • Pag-aalinlangan na maaalagaan mo ang iyong sanggol

Ang depresyon ang pinakakaraniwang isyu sa kalusugan ng pag-iisip sa panahon at pagkatapos ng pagbubuntis. 1 sa 8 tao ang nakakaramdam ng depresyon sa unang linggo ng panganganak. Tinatawag itong “Postpartum Depression.”

Ang postpartum depression ay maaaring tumagal nang 7 buwan o mas matagal pa kung hindi ito magagamot. Makipag-usap sa iyong PCP kung sa palagay mo ay mayroon kang mga sintomas. Ang karamihan sa mga tao ay gumagaling kapag ginamot. Ito ay maaaring gamot, pagpapayo, o pakikipag-usap sa isang eksperto sa kalusugan ng pag-iisip.

Maiuugnay ka ng iyong PCP sa isang espesyalista ng Carelon Behavioral Health na tumitingin sa mga taong may perinatal o postpartum depression. Sa loob ng 48 oras, maaari siyang makipag-ugnayan sa iyo at magbigay ng screening para sa depresyon. Kung mayroon kang anumang alalahanin tungkol sa pakikipagugnayan sa iyong anak, nag-aalok ang Carelon Behavioral Health ng suporta para sa matibay na ugnayan ng sanggol at magulang.

Makakuha ng Suporta Habang Nagbubuntis

Maaari ka na ngayong kumuha ng suporta mula sa isang doula (nagpapaanak) nang walang bayad. Ang mga serbisyo ng doula ay para sa mga prenatal (bago ang panganganak) at postpartum (pagkatapos ng pagbubuntis) na pagpapatingin. Matutulungan ka ng mga doula na:

  • Pag-usapan ang iyong pangangalagang pangkalusugan kasama ang iyong mga provider
  • Makakuha ng edukasyong pangkalusugan
  • Makakuha ng pisikal, emosyonal, at iba pang suportang hindi medical

Tanungin ang inyong pangunahing tagapagkalinga sa kalusugan (PCP) tungkol sa serbisyong doula. Maari kang magkaruon ng serbisyong ito nang walang bayad kung ikaw ay miyembro ng SFHP Medi-Cal. Suriin ang inyong SFHP member handbook o bisitahin ang SFHP Benefits and Covered Services para malaman nang higit pa tungkol sa mga serbisyong doula.
Kung may mga katanungan ka, mangyaring tawagan ang SFHP Customer Service sa 1(800) 288-5555 o 1(415) 547-7800, TTY 1(888) 883-7347.