Ang pagkabalisa at depresyon ay mga karaniwang nararamdaman—mahigit 1 sa bawat 5 nasa hustong gulang sa U.S. ang nakararanas nito araw-araw. Ang mga grupong minorya, gaya ng Asian Americans and Pacific Islanders (AAPI), ay maaaring mas lalong makaranas ng mga damdaming ito. Maaaring ito ay dahil sa stress, takot sa hinaharap o sa kung ano ang iniisip ng iba, nahihirapan sa pagkuha ng pangangalaga sa kalusugan, at iba pa.

Tandaan, hindi ka nag iisa. Kung ikaw ay nakararanas ng depresyon, makakatulong ang SFHP upang makuha mo ang kinakailangang pangangalaga. Pribado ang pangangalaga sa kalusugan ng pag-iisip, at hindi mo kailangan ng referral mula sa isang doktor.

Ano ang depresyon?

Ang depresyon ay higit pa sa masamang araw. Maaari itong tumagal nang ilang linggo at magpahirap sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ilan sa mga palatandaan ay:

  • Nalulungkot, nag-aalala, o kawalan ng pakiramdam
  • Labis na pagtulog o pagiging kulang sa tulog
  • Pagbabago sa gana sa pagkain o lakas
  • Hirap sa pagtuon o sa paggawa ng mga desisyon

Kung ang mga damdaming ito ay tumagal nang 2 linggo o higit pa, maaaring panahon na upang makipag-usap sa provider ng pangangalagang pangkalusugan.

Bakit Mahalaga ang Screening para sa Depresyon

Ang depression screening ay isang maikling set ng mga tanong na itatanong ng doktor mo upang malaman kung ano ang iyong nararamdaman. Nakakatulong ito upang matukoy agad ang mga alalahanin bago pa man ito makaapekto sa kalusugan mo, trabaho, o buhay pampamilya. Ang gastos sa screening ay $0, pribado, at hindi ka nito nilalagyan ng label.

Pagkatapos ng screening

Kung ang screening mo ay nagpapakita na may depresyon ka, ang follow-up na pangangalaga ay maaaring makatulong upang bumuti ang iyong pakiramdam. Maaaring mabigyan ka ng pagpapayo, mga tip sa uri ng pamumuhay, o iba pang suporta na kailangan mo o ng pamilya mo.

Care in Your Language

You have options on where to get care:

  • Carelon Behavioral Health upang makakuha ng $0 na halaga ng pangangalaga sa kalusugan ng pag-iisip. Tumawag sa 1(855) 371-8117.
  • 24/7 Teladoc: Puwede mong gamitin ang Teladoc para makipag-usap sa isang doktor 24/7 sa telepono, smartphone app, o video. Ang Teladoc ay libre at makakakuha ka ng pangangalaga mula sa doktor para sa mga problemang hindi pang-emergency. Matuto nang higit pa sa sfhp.org/teladoc o tumawag sa 1(800) 835-2362.
  • 988 Lifeline para sa Pagpapatiwakal at Krisis: Tumawag o mag-text sa 988, 24/7, $0 gastos at pribado.

Ang pag-aalaga sa iyong kalusugan ng pag-iisip ay nakakatulong sa pag-aalaga mo sa mga taong mahal mo. Ang SFHP ay narito upang supotahan ka.

Higit Pang Tulong mula sa SFHP

  • Serbisyo sa Customer: Kung kailangan mo ng tulong o mayroon kang anumang mga katanungan, tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-7800, 1(800) 288-5555 (libre ang pagtawag), o 711 (TTY), Lunes–Biyernes, 8:00am–5:00pm.
  • Mga Serbisyo ng Interpreter: Maaari kang kumuha ng interpreter sa personal o sa telepono para sa iyong mga pagbisita para sa kalusugan. Kapag nagpa-appointment ka, isabay na rin ang paghiling ng interpreter.
  • Kailangan ng Masasakyan? Matutulungan ka ng SFHP na makakuha ng transportasyon papunta sa anumang medikal na appointment na saklaw ng Medi-Cal. Magtanong sa iyong provider o tumawag sa Serbisyo sa Customer.
  • Interesado sa Mga Benepisyo ng Medi-Cal? Tingnan kung makakakuha ka o ang iyong pamilya ng Medi-Cal sa pamamagitan ng SFHP.

Alamin pa ang tungkol sa iyong mga saklaw na benepisyo at serbisyo sa Medi-Cal.