
Tulong upang mapabuti ang kalusugan ng iyong emosyon at pag-iisip
Kung nakakaramdam ka ng stress, o nababalisa, o may napapansin kang iba pang sintomas ng mga problema sa kalusugan ng pag-isip, maaari kang humingi ng suporta upang mapabuti ang kalusugan ng iyong pag-iisip. Bumubuti ang kalagayan ng karamihan ng tao sa gamot o sa pakikipag-usap sa isang eksperto sa kalusugan ng pag-iisip. Kumpidensyal ang pangangalaga sa kalusugan ng pag-iisip, at hindi mo kailangan ng referral mula sa isang doktor.
Mga paraan upang makakuha ng suporta sa kalusugan ng pag-iisip:
- Sumali sa isang grupo ng suporta. Maghanap ng grupo sa Mga Klase para sa Edukasyong Pangkalusugan ng SFHP.
- Makipag-ugnayan sa iyong provider ng pangunahing pangangalaga (primary care provider, PCP). Ang iyong PCP ay ang iyong pangunahing doktor, assistant ng doktor, o nurse practitioner. Makikita mo ang kanilang numero ng telepono sa iyong SFHP ID card.
- Tawagan ang aming partner na Carelon Behavioral Health sa 1(855) 371-8117 upang magtakda ng personal o online na pagpapatingin. Alamin ang higit pa sa carelonbehavioralhealth.com.
- Tawagan ang 24/7 na Nurse Advice Line ng SFHP sa 1(877) 977-3397.
- O bisitahin ang sfhp.org/teladoc upang makipag-usap sa isang doktor 24/7 sa pamamagitan ng telepono o video.
Para sa agarang pangangalaga sa kalusugan ng pag-iisip:
- Tawagan ang plano sa kalusugan ng pag-iisip ng iyong county, ang San Francisco Behavioral Services sa 1(888) 246-3333 o 711.
- Tumawag o mag text sa 988, o makipag-chat online sa pambansang hotline sa pagpigil sa pagpapakamatay,kung naiisip mo o ng isang taong kilala mo na saktan ang kaniyang sarili o ang iba. Ang pangangalaga na ibinibigay ng 988 ay sakop ng SFHP.
Para sa Mga Wala Pang 18 Taong Gulang:
Kung ikaw ay wala pa sa edad na 18 taong gulang, maaari kang makatanggap ng ilang serbisyo nang walang pahintulot ng magulang o tagapag-alaga. Tinatawag ang mga serbisyong ito na “mga serbisyong may pahintulot sa menor de edad“. Kung ikaw ay 12 taong gulang o mas matanda, maaari kang makakuha ng mga serbisyo sa pangangalaga sa kalusugan ng pag-iisip na pang-outpatient para sa:
- Sekswal na pag-atake
- Insesto
- Pisikal na pagsalakay
- Pang-aabuso sa bata
- Kapag naiisip mong saktan ang iyong sarili o ang iba
Matuto pa tungkol sa pangangalaga sa kalusugan ng pag-iisip sa Handbook ng Miyembro ng SFHP o sa Mga Serbisyo sa Kalusugan ng Pag-uugali at Pag-iisip ng SFHP.
Programa sa Pamamahala ng Pangangalaga ng SFHP
Kung kailangan mo ng tulong sa pagkuha ng pangangalaga, makakahingi ka ng tulong sa Programa sa Pamamahala ng Pangangalaga ng SFHP. Matutulungan ka ng aming pangkat sa tawag sa telepono na makuha ang tulong na kailangan mo. Matutulungan ka ng aming pangkat ng pangangalaga na:
- Makakuha ng mga referral para sa suporta sa komunidad, tulad ng pagkain, pabahay, o pangangalaga sa kalusugan ng pag-iisip.
- Makipagtulungan sa aming mga nars upang makapaghanda para sa iyong susunod na pagpapatingin ng kalusugan.
- Makipagtulungan sa iyong pangkat ng pangangalaga upang mas maunawaan ang iyong gamot.
Kung gusto mong sumali, mangyaring tawagan ang aming linya ng paggamit sa 1(415) 615-4515. Libre ang serbisyong ito para sa mga miyembro ng SFHP.