Mga Senyales ng Adiksyon

Gusto nating maging maingat sa dalas ng ating pag-inom ng alak. Ang pag-inom ng alak ay maaaring maging problema at maaaring maging isang adiksyon. Huwag uminom at magmaneho, dahil maaari itong humantong sa kasong DUI (pagkaaresto, multa, atbp.) o maging kamatayan.

Kabilang sa mga karaniwang senyales ng adiksyon ang:

  • Pag-inom nang higit sa gusto mo
  • Pagkakaroon ng problema sa pagbabawas
  • Paglalagay ng iyong sarili sa panganib ng pinsala, tulad ng pag-inom at pagmamaneho
  • Paglabag sa batas kaugnay ng pag-inom ng alak
  • Pananakit sa mga relasyon
  • Mga pagbabago sa kilos o mood
  • Hindi pangangalaga sa iyong kalusugan
  • Mga problema sa trabaho at personal na buhay

Iminumungkahi ng Dietary Guidelines for Americans na 2 o mas kaunti lang ang alak na iinumin sa isang araw para sa mga lalaki at 1 o mas kaunti sa isang araw para sa mga babae. Bukod pa rito, may ilang mga tao na hindi talaga dapat uminom ng alak, tulad ng mga taong nagbubuntis o nagpaplanong mabuntis, at mga taong wala pang 21 taong gulang.

Saan Makakakuha ng Suporta

Kung nahihirapan ka sa iyong pag-inom ng alak, o sa tingin mo ay posibleng mayroon kang adiksyon, may makukuha kang tulong. Humanap ng suporta at mga mapagkukunan sa ibaba:

  • Ang iyong provider ng pangunahing pangangalaga (PCP): Ang PCP ay ang iyong pangunahing doktor, assistant ng doktor, o nurse practitioner. Sila ang nangangasiwa sa lahat ng iyong pangangailangan sa pangangalagang pangkalusugan. Tumawag sa iyong PCP para magpa-appointment. Makikita mo ang kanilang numero ng telepono sa iyong SFHP ID card o makakahanap ka ng provider dito.
  • Pamamahala ng Pangangalaga ng SFHP: Magbibigay sa iyo ang isang nurse ng one-on-one na tulong para makuha mo ang tamang pangangalaga. Tumawag sa 1(415) 615-4515.
  • Carelon Behavioral Health: Kung mayroon kang Medi-Cal,puwede kang makipag-usap sa isang espesyalista sa kalusugan ng pag-uugali nang walang bayad sa Carelon Behavioral Health. Tumawag sa 1(855) 371-8117 para matuto pa o para magpa-appointment. Hindi mo kailangan ng referral.
  • San Francisco Behavioral Health Services (SFBHS): Nag-aalok ang SFBHS ng pangangalaga para sa kalusugan ng isip, pag-inom ng alak, at paggamit ng droga. Tumawag sa kanilang 24/7 na linya sa 1(888) 246-3333 para matuto pa. Hindi mo kailangan ng referral.
  • Treatment Access Program (TAP) Voluntary Unit: Maaari kang iugnay ng TAP sa mga serbisyo sa kalusugan ng isip at paggamot para sa paggamit ng sangkap. Tumawag sa 1(415) 503-4730 o nang toll-free sa 1(800) 750-2727.
  • Sensitibong Pangangalaga sa Menor de Edad: Kung ikaw ay 12 taong gulang o mas matanda, maaari kang makakuha ng pangangalaga para sa disorder sa paggamit ng sangkap nang walang pahintulot ng iyong magulang o tagapag-alaga. Hindi mo kailangan ng referral. Maaari kang makipag-usap nang pribado sa isang tao tungkol sa iyong mga alalahanin sa kalusugan sa pamamagitan ng pagtawag nang 24/7 sa 1(877) 977-3397. Maaari kang tumawag sa doktor gamit ang telepono o video sa pamamagitan ng Teladoc sa 1(800) 835-2362, o bumisita sa teladoc.com/sfhp.

Higit Pang Tulong mula sa SFHP

  • Serbisyo sa Customer: Kung kailangan mo ng tulong o mayroon kang anumang mga katanungan, tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-78001(800) 288-5555 (libre ang pagtawag), o 711 (TTY), Lunes–Biyernes, 8:30am–5:30pm.
  • Mga Serbisyo ng Interpreter: Maaari kang kumuha ng interpreter sa personal o sa telepono para sa iyong mga pagbisita para sa kalusugan. Kapag nagpa-appointment ka, isabay na rin ang paghiling ng interpreter.
  • Kailangan ng Masasakyan? Matutulungan ka ng SFHP na makakuha ng transportasyon papunta sa anumang medikal na appointment na saklaw ng Medi-Cal. Magtanong sa iyong provider o tumawag sa Serbisyo sa Customer.
  • Interesado sa Mga Benepisyo ng Medi-Cal? Tingnan kung makakakuha ka o ang iyong pamilya ng Medi-Cal sa pamamagitan ng SFHP.

Alamin pa ang tungkol sa iyong mga saklaw na benepisyo at serbisyo sa Medi-Cal.