
Ang pagpapasuso sa loob ng 6 na buwan o higit pa ay mabuti para sa magulang at sanggol.
Alam mo ba na maaaring mapaliit ng pagpapasuso ang panganib na magkaroon ka ng kanser sa suso? Mas maliit ang panganib na magkaroon ka ng kanser sa suso kung nagpapasuso ka sa loob ng isang taon o higit pa. Iminumungkahi ng American Academy of Pediatrics (AAP) na magpasuso nang hindi bababa sa 6 na buwan.
Ang pagpapasuso ay mabuti para sa iyong kalusugan dahil:
- Dahil sa pagpapagatas, nakokontrol ang paglaki ng mga breast cell.
- Mas madalang ang buwanang dalaw (iyong regla) ng karamihan sa mga nanay kapag nagpapasuso sila. Maaaring mangahulugan itong mas kaunti ang estrogen.
- Ang pagpapasuso ay umuubos ng hanggang 500 calories kada araw at makakatulong para mabawasan ang iyong timbang.
Ang pagpapasuso ay mabuti para sa iyo at sa iyong sanggol dahil:
- Nakakatulong ito sa iyong makipag-bonding sa iyong sanggol.
- Nakakatulong itong pigilan ang maraming karamdaman.
- Ibinibigay nito sa iyong sanggol ang lahat ng sustansyang kailangan niya para sa unang 6 na buwan ng buhay.
- Tinutulungan nito ang iyong katawan na gumaling mula sa pagbubuntis at panganganak.
- Maaari nitong paliitin ang panganib na magkaroon ka ng mataas na blood sugar, mataas na presyon ng dugo, at iba pang kanser.
Para sa iba pang impormasyon, bisitahin ang CDC. Maaari ka ring makipag-usap sa iyong provider ng pangunahing pangangalaga* (PCP) kung mayroon kang anumang tanong.
*Ang iyong pangunahing provider ng pangangalaga ay ang doktor, assistant ng doktor, o nurse practitioner na nangangasiwa sa iyong pangangalagang pangkalusugan.
Mga Paraan para Mapaliit ang Panganib na Magkaroon Ka ng Kanser sa Suso
Kahit magpasya kang hindi magpasuso, may mga magagawa ka para mapaliit ang panganib na magkaroon ka ng kanser sa suso, gaya ng:
- Manatili sa malusog na timbang.
- Regular na mag-ehersisyo.
- Limitahan ang pagkonsumo ng alak.
- Kumain ng masusustansyang pagkain.
- Tumigil sa paninigarilyo o paggamit ng vape.
Bisitahin ang Kalusugan at Wellness ng SFHP para makakuha ng mga tip sa kung paano kumain ng masustansya, manatiling aktibo, at tumigil sa paninigarilyo.
Pangangalaga sa Buntis at Bagong Panganak sa SFHP
Narito ang San Francisco Health Plan (SFHP) para suportahan ka sa pamamagitan ng pangangalaga sa buntis, gaya ng:
- Pagtuturo at tulong kaugnay ng pagpapasuso.
- Pangangalaga habang nanganganak at pagkatapos manganak.
- Mga breast pump at nauugnay na supply.
- Suporta mula sa mga doula (mga birth worker).
- Pangangalaga sa kalusugan ng isip, kabilang ang para sa postpartum depression.
- Transportasyon na hindi pang-emergency para makarating sa mga pagpapatingin para sa kalusugan.
Iba pang Tulong para sa mga Nanay
- Makakahingi ka ng tulong kaugnay ng pagkain sa Supplemental Nutrition Program ng Women, Infants, and Children (WIC) Supplemental Nutrition Program
- Maaari kang makakuha ng mga gift card na hanggang $50 para sa pagpunta sa iyong mga prenatal, postpartum, at well-child na pagpapatingin. Matuto pa sa Mga Insentibo para sa Miyembro.
- Mangyaring tingnan ang iyong handbook sa SFHP para suriin ang iyong Mga Benepisyo at Saklaw na Serbisyo.
Higit Pang Tulong mula sa SFHP
- Serbisyo sa Customer: Masasagot ng aming team ang iyong mga tanong tungkol sa mga benepisyo at serbisyo sa kalusugan. Tumawag sa 1(415) 547-7800 o sa 1(415) 547-7830 TTY. Lunes hanggang Biyernes, 8:30am hanggang 5:30pm.
- Mga Serbisyo ng Interpreter: Maaari kang kumuha ng interpreter sa personal o sa telepono para sa iyong mga pagbisita para sa kalusugan. Kapag nagpa-appointment ka, isabay na rin ang paghiling ng interpreter.
- Kailangan ng Masasakyan? Matutulungan ka ng SFHP na makakuha ng transportasyon papunta sa anumang medikal na appointment na saklaw ng Medi-Cal. Magtanong sa iyong provider o tumawag sa Serbisyo sa Customer.
- Interesado sa Mga Benepisyo ng Medi-Cal? Tingnan kung makakakuha ka o ang iyong pamilya ng Medi-Cal sa pamamagitan ng SFHP.
Alamin pa ang tungkol sa iyong mga saklaw na benepisyo at serbisyo sa Medi-Cal.