Ang pagpapasuso sa loob ng 6 na buwan o higit pa ay mabuti para sa magulang at sanggol.

Alam mo ba na maaaring mapaliit ng pagpapasuso ang panganib na magkaroon ka ng kanser sa suso? Mas maliit ang panganib na magkaroon ka ng kanser sa suso kung nagpapasuso ka sa loob ng isang taon o higit pa. Iminumungkahi ng American Academy of Pediatrics (AAP) na magpasuso nang hindi bababa sa 6 na buwan.

Ang pagpapasuso ay mabuti para sa iyong kalusugan dahil:

  • Dahil sa pagpapagatas, nakokontrol ang paglaki ng mga breast cell.
  • Mas madalang ang buwanang dalaw (iyong regla) ng karamihan sa mga nanay kapag nagpapasuso sila. Maaaring mangahulugan itong mas kaunti ang estrogen.
  • Ang pagpapasuso ay umuubos ng hanggang 500 calories kada araw at makakatulong para mabawasan ang iyong timbang.

Ang pagpapasuso ay mabuti para sa iyo at sa iyong sanggol dahil:

  • Nakakatulong ito sa iyong makipag-bonding sa iyong sanggol.
  • Nakakatulong itong pigilan ang maraming karamdaman.
  • Ibinibigay nito sa iyong sanggol ang lahat ng sustansyang kailangan niya para sa unang 6 na buwan ng buhay.
  • Tinutulungan nito ang iyong katawan na gumaling mula sa pagbubuntis at panganganak.
  • Maaari nitong paliitin ang panganib na magkaroon ka ng mataas na blood sugar, mataas na presyon ng dugo, at iba pang kanser.

Para sa iba pang impormasyon, bisitahin ang CDC. Maaari ka ring makipag-usap sa iyong provider ng pangunahing pangangalaga* (PCP) kung mayroon kang anumang tanong.

*Ang iyong pangunahing provider ng pangangalaga ay ang doktor, assistant ng doktor, o nurse practitioner na nangangasiwa sa iyong pangangalagang pangkalusugan.

Mga Paraan para Mapaliit ang Panganib na Magkaroon Ka ng Kanser sa Suso

Kahit magpasya kang hindi magpasuso, may mga magagawa ka para mapaliit ang panganib na magkaroon ka ng kanser sa suso, gaya ng:

Bisitahin ang Kalusugan at Wellness ng SFHP para makakuha ng mga tip sa kung paano kumain ng masustansya, manatiling aktibo, at tumigil sa paninigarilyo.

Pangangalaga sa Buntis at Bagong Panganak sa SFHP

Narito ang San Francisco Health Plan (SFHP) para suportahan ka sa pamamagitan ng pangangalaga sa buntis, gaya ng:

  • Pagtuturo at tulong kaugnay ng pagpapasuso.
  • Pangangalaga habang nanganganak at pagkatapos manganak.
  • Mga breast pump at nauugnay na supply.
  • Suporta mula sa mga doula (mga birth worker).
  • Pangangalaga sa kalusugan ng isip, kabilang ang para sa postpartum depression.
  • Transportasyon na hindi pang-emergency para makarating sa mga pagpapatingin para sa kalusugan.

Iba pang Tulong para sa mga Nanay

Kung mayroon kang mga tanong, tumawag sa Serbisyo pra sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-7800, 1(800) 288-5555 (toll-free), o 1(888) 883-7347 (TTY). Lunes hanggang Biyernes, 8:30am-5:30pm.
Maaari ka ring tumawag sa Nurse Advice Line ng SFHP 24 na oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo sa 1(877) 977-3397.