Kalusugang Pambata
Libre ang lahat ng pangangalagang kailangan ng iyong anak
Nagbibigay ang Medi-Cal para sa Mga Bata at Teen ng mga libreng serbisyo para mapanatiling malusog ang iyong anak mula sa kapanganakan hanggang sa edad na 21. Kabilang sa mga serbisyong ito ang:
- Mga check up
- Mga bakuna
- Mga screening ng kalusugan
- Paggamot para sa mga problema sa kalusugan ng katawan, isip, at ngipin.
Iiskedyul ang iyong libreng pagbisitang Well Check ngayon!
Mahalagang dalhin ang iyong anak sa mga regular na check-up, kahit na wala siyang sakit. Maaaring makatulong ang mga regular na check-up na makita at mapigilan nang maaga ang mga problema sa kalusugan.
Libre ang lahat ng pangangalaga maliban kung mayroon kang Bahagi sa Gastos noong naging kwalipikado ka para sa Medi-Cal. Tumingin dito para sa mga paraan para makapag-apply sa Medi-Cal.
Matuto pa tungkol sa pangangalaga ng bata sa Medi-Cal para sa Mga Bata at Medi-Cal para sa Mga Teen. Suriin ang Iyong Gabay sa Mga Karapatan sa Medi-Cal para sa higit pang impormasyon.
Tawagan ang iyong provider ng pangunahing pangangalaga* (primary care provider, PCP) para magpa-appointment
Makikita mo ang numero nila sa iyong ID Card ng San Francisco Health Plan.
Mga Iminumungkahing Pagbisitang Well Check ayon sa Edad
Makipag-usap sa iyong PCP tungkol sa kung anong mga serbisyo ang maaaring kailanganin mo o ng iyong anak.
Pisikal na pagsusuri | ||||
Mga bakuna upang maiwasan ang mga sakit | ||||
Pagsusuri sa lead para sa < 6 na taong gulang | ||||
Mga screening para sa: Paglaki |
||||
Kalusugan ng Ngipin at Bibig | ||||
Paningin | ||||
Pandinig | ||||
Kalusugan ng isip | ||||
Karamdaman sa paggamit ng substance | ||||
Nutrisyon | ||||
Mga serbisyo sa sekswal na kalusugan |
Maaari kang tumawag sa Serbisyo sa Customer sa 1(415) 547-7800 o 1(800) 288-5555 (toll-free) o 1(415) 547-7830 (TTY). Lunes hanggang Biyernes nang 8:30am hanggang 5:30 pm.
*Ang iyong provider ng pangunahing pangangalaga (primary care provider, PCP) ay ang doktor, assistant ng doktor, o nurse practitioner na nangangasiwa sa iyong pangangalagang pangkalusugan.