Pangmatagalang Pangangalaga
Ang Medi-Cal ay may bagong benepisyong tinatawag na Pangmatagalang Pangangalaga.
Ang Pangmatagalang Pangangalaga (tinatawag ding Custodial na Pangangalaga) ay para sa mga miyembrong makakatugon sa mga partikular na panuntunan. Hindi mo kayang mamuhay nang mag-isa sa bahay dahil sa isang pangangailangan sa kalusugan. Posibleng kailanganin mo ng pangmatagalang tulong sa mga bagay na tulad ng pagligo, pagbibihis, pagbangon at paghiga sa kama, paglalakad, paggamit ng banyo, at pagkain. Makukuha mo ang pangangalagang ito sa isang pasilidad ng Pangmatagalang Pangangalaga na tinatawag na Pasilidad ng Skilled Nursing.
Nangangailangan ng paunang pahintulot ang mga serbisyo sa Custodial na Pangmatagalang Pangangalaga. Kung inirerekomenda ng iyong doktor ang mga serbisyo sa Custodial na Pangmatagalang Pangangalaga, makikipag-ugnayan siya sa SFHP at hihiling siya ng paunang pahintulot.
Kapag kinailangan mo ang pangangalagang ito nang mas matagal kaysa sa buwan ng pag-admit at buwan pagkatapos nito, magiging residente ka ng pasilidad ng Pangmatagalang Pangangalaga. Mula sa ikatlong buwan, maaaprubahan ka na para sa Custodial na Pangmatagalang Pangangalaga. Mapapalitan ng bagong medikal na network ang iyong medikal na grupo – ang SFHP Direct Network (SDN). Hindi ito mangyayari kung nasa Kaiser Permanente ka. Ang mga miyembro ng Kaiser ay mananatiling nakatalaga sa medikal na grupo ng Kaiser Permanente. Hindi babaguhin ng paglipat sa SDN ang iyong mga benepisyo. Mananatiling pareho ang lahat ng mga serbisyo. Kapag nailipat at naitalaga sa SDN ang mga miyembro ng Custodial na Pangmatagalang Pangangalaga, makakatanggap ka ng sulat na nagpapaalam sa iyo tungkol sa pagbabago. Magkakaroon ka rin ng bagong SFHP Member Identification (ID) Card.
Para matuto pa tungkol sa Pangmatagalang Pangangalaga, mangyaring tumawag sa Customer Service ng SFHP sa 1(415) 547-7800 o 1(800) 288-5555 (toll-free) o TTY 1(888) 883-7347 o 711. Lunes hanggang Biyernes 8:30am hanggang 5:30pm.
Available din ang impormasyon ng benepisyo sa iyong Handbook ng Miyembro ng SFHP.