Makatipid ng oras, pera, at byahe sa parmasya. Kung mayroon kang SFHP Healthy Workers HMO, maaari mo nang ipahatid ang iyong gamot sa bahay mo!

Ang pagpapahatid ng iyong gamot sa iyo ay isang madaling paraan upang makuha ang iyong supply para sa hanggang 90 araw. Ito ay isang magandang opsyon kung tuloy-tuloy at regular kang umiinom ng gamot para manatiling malusog.

Paano ito Gumagana

Kung mayroon kang kasalukuyang reseta

  1. Tawagan ang Prime Therapeutics sa 1(800) 424-8274 (TTY 711) Lunes – Biyernes, 5am – 4pm.
  2. Sabihin sa kanila ang pangalan ng iyong gamot at kasalukuyang parmasya.
  3. Ang Prime Therapeutics na ang bahala.

Para sa mga bagong reseta

  1. Hilingin sa iyong doktor na ipadala ang reseta mo sa Prime Therapeutics Pharmacy.
  2. Maaaring ireseta ng iyong doktor ang gamot mo nang direkta sa kanila. Maaaring gawin ng iyong doktor ang sumusunod:

    • Tumawag sa 1(800) 424-8274
    • Mag-fax sa 1(888) 282-1349
    • Mag-ePrescribe sa Prime Therapeutics Pharmacy LLC (Home Delivery, Salt Lake City), NPI 1609221647

Maaari kang tumawag sa 1(800) 424-8274 upang makipag-usap sa isang tagapagkoordina ng pangangalaga tungkol sa iyong mga reseta.

Kailan dapat Tumawag

Oras ng negosyo:

Lunes – Biyernes, 5am – 4pm.

Pagkatapos ng mga oras ng trabaho (para lang sa mga emergency):

Lunes – Biyernes mula 5pm – 4am.
Buong araw ng Sabado at Linggo.

Higit Pang Tulong mula sa SFHP

  • Serbisyo sa Customer: Kung kailangan mo ng tulong o mayroon kang anumang mga katanungan, tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-78001(800) 288-5555 (libre ang pagtawag), o 711 (TTY), Lunes–Biyernes, 8:30am–5:30pm.
  • Mga Serbisyo ng Interpreter: Maaari kang kumuha ng interpreter sa personal o sa telepono para sa iyong mga pagbisita para sa kalusugan. Kapag nagpa-appointment ka, isabay na rin ang paghiling ng interpreter.
  • Kailangan ng Masasakyan? Matutulungan ka ng SFHP na makakuha ng transportasyon papunta sa anumang medikal na appointment na saklaw ng Medi-Cal. Magtanong sa iyong provider o tumawag sa Serbisyo sa Customer.
  • Interesado sa Mga Benepisyo ng Medi-Cal? Tingnan kung makakakuha ka o ang iyong pamilya ng Medi-Cal sa pamamagitan ng SFHP.

Alamin pa ang tungkol sa iyong mga saklaw na benepisyo at serbisyo sa Medi-Cal.